365 total views
Nakiisa ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga nasalanta ng bagyong Odette lalo na sa Surigao Del Norte na sakop ng Diyosesis ng Surigao, isa sa labis napinsala ng bagyo.
Sa pamamagitan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na nagtungo sa Siargao Island kasabay ng pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang upang makiisa sa mga naapektuhan ng kalamidad at ipadama ang pagdamay ng simbahan.
Ika-10 ng umaga nang pangungunahan ng nuncio ang misa sa Del Carmen Parish habang sa hapon naman ay binisita ni Archbishop Brown ang mga napinsalang parokya sa Siargao Island.
Sa December 26, magtutungo ang kinatawan ni Pope Francis sa Surigao City para magmisa sa Surigao Cathedral na susundan ng pagbisita sa mga parokyang nasalanta ng bagyo.
Sa December 27 naman, bisitahin din ng arsobispo ang Dinagat Island para alamin ang lawak ng pinsalang tinamo sa lugar maging ang mga Parokya.
Ang tatlong araw na pagbisita ng nuncio sa diyosesis ay tanda ng pagdamay at pagkalinga sa kawan ng Diyos na ipinagkatiwala ng Santo Papa sa pangangalaga ni Archbishop Brown bilang kinatawan sa Pilipinas.
Sa pananalasa ng bagyong Odette noong December 16, nagpaabot ng panalangin at pakikiisa si Pope Francis sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas
Unang nag-landfall ang bagyo sa Siargao Island ang bagyo at nanalasa sa malaking bahagi ng Surigao Del Norte dahilan sa mahigit isang bilyong pinsala sa agrikultura habang milyung milyong pisong pinsala sa imprastraktura kung saan 13 milyong piso sa private sectors kabilang na ang mga simbahan.
Nagpaabot naman ng paunang tulong na 500-libong pisong halaga ang Caritas Manila-ang social arm ng Archdiocese of Manila bukod pa ang kalahating milyong pisong ibinigay ng arkidiyosesis mula sa second collection ng mga parokya.
Patuloy ang pakikipag ugnayan ng Caritas Manila kay Surigao Bishop Antonieto Cabajog para sa karagdagang pagtugon ng Simbahan lalo na sa rehabilation and recovery ng mga napinsalang istruktura at bahay.