4,166 total views
Tinawag ng Sangguniang Laiko ang pagpayag ng Korte Suprema na ilibing ang dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani na malaking insulto sa mga biktima ng Martial law o batas militar lalu na sa mamamayang Pilipino na nagpatalsik sa puwesto sa dating diktador.
“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas believes that the Supreme Court’s decision rejecting the petitions to stop the burial of the late dictator Ferdinand Marcos in the Libingan ng Mga Bayani is a barefaced disrespect to the victims of one of the darkest moment in the history of our people and our country in general. Burying Ferdinand E. Marcos alongside our nation’s heroes who fought for our freedom is a great insult to the thousands of victims of atrocities committed during his reign.” Pahayag ng Sangguniang Laiko.
Binigyan diin ng S-L-P na ang paglilibing sa mga labi ng dating pangulo ay magdadala ng maling mensahe sa bagong henerasyon na ang pagiging dictator, plunderers at executioners ay pinaparangalan ng lipunan.
“Burying him at the Heroes’ Cemetery is a mocking act that will send a strong distorted message to our young people that in this country, dictators, plunderers and executioners are being rewarded. The Supreme Court’s decision appears to have been anchored only on the legal provisions of the Philippine Constitution but with apparent complete disregard for moral issues that go along with it.” pahayag ng Sangguniang Laiko.
Sinabi ng S-L-P na ang desisyun ng Korte Suprema ay pagtingin lamang sa pagiging presidente at sundalo ni Marcos at hindi isinasaalang-alang ang pagiging diktador , pag-abuso sa kapangyarihan at pandarambong ng dating pangulo.
Higit sa lahat ayon sa S-L-P, ang paglilibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani ay pagsasawalang bahala ng spirit ng EDSA 1, magpapababa sa integridad ng mga Filipino at pagbaluktot sa magandang kasaysayan ng Pilipinas bilang isang bansa.
Kasabay nito ang apaila ng grupo sa mga mambabatas na maglabas ng resolusyon laban sa desisyon ng Korte Suprema.
“Marcos may have been a President but he ended up a dictator he may have been a soldier but his grave abuse of power and systemic violence undermines his well flaunted valor Marcos burial in Libingan ng mga Bayani will undoubtedly constitute a claim for recognition as a hero, absolutely setting aside the causes raised and won by the spirit of EDSA 1. It will degrade the Filipino’s integrity as a people and distort truths and realities of Philippine history as a nation.” At “It will not bring healing as the Marcos family and their cronies continue to deny the injustices they have committed and the victims of Martial Law are not properly restituted. There can never be peace without truth and justice Foregoing considered, we call on all our concerned and patriotic legal luminaries and our legislators to make the proper motions or resolutions on the Supreme Court’s decision. We also appeal on our Cabinet members to act on our country’s behalf in influencing the heart and mind of our President on this very important matter.” pahayag ng SLP
Sa panahon ng Martial law naitala ng Amnesty International ang may 70 libong tao na ikinulong, 34 na libo na ang biktima ng torture at 3,240 ang pinatay mula 1972 hanggang 1981 dahil sa batas militar.