98,879 total views
Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot na sa 20,752 ang mga rehistradong kooperatiba sa buong bansa… Kinabibilangan ito ng Multi-Purpose, Credit and Banks, Consumer, Producer, Agriculture and Dairy, Marketing, Agrarian reform, Service, Transport,Water service, Housing, Labour service, Fisheries at iba pa.
12.4-milyong Pilipino o mahigit sa 10-porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ang mga miyembro o tinatawag na “kamay-ari” ng kooperatiba… Sa kasalukuyan, 429.7-bilyong piso ang kabuuang assets ng 20,752 na kooperatiba sa bansa.
Sinasabi ng CDA na 3.9-bilyong piso ang kontribusyon sa pamamagitan ng “indirect taxes” ng mga kooperatiba sa Pilipinas.
Kapanalig, 10-malalaking kooperatiba sa Pilipinas ay miyembro o kasapi ng International Cooperative Association… isa dito ang Metro South Cooperative Bank na itinatag ng inyong abang lingkod, Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila.
Bukod sa MSCB, itinatag din ng inyong lingkod ang multi-bilyong pisong church-based cooperative na “Solidaritas” kung saan ang mga kamay-ari ay mga pari at Obispo ng simbahang katolika sa Pilipinas, kasama din dito ang Lingkod Simbahan Multi-Purpose Cooperative na binubuo ng mga manggagawa ng Radio Veritas, Caritas Manila, TV Maria at iba pang church organization at institution.
Noong 2015, kinilala ni Pope Francis mahalagang tungkulin ng mga kooperatiba sa lipunan dahil nagsisilbi itong pamamagitan ng mga miyembro sa pag-unlad kung saan bukod sa pagpapalago ng pinagsama-samang yaman ay nagbibigay din ang mga kooperatiba ng oportunidad ng trabaho sa mas marami pang mamamayan.
Your cooperative model, precisely because it is inspired by the social doctrine of the Church, corrects certain tendencies typical of collectivism and statism, which are sometimes lethal to private initiatives; and at the same time, it curbs the temptations of individualism and selfishness typical of liberalism. In fact, while the capitalist enterprise aims primarily at profit, the cooperative enterprise has as its primary purpose the balanced and proportionate satisfaction of social needs. Certainly the cooperative must also aim to produce profits, to be effective and efficient in its economic activity, but all this without losing sight of mutual solidarity.” Pope Francis Address to the Confederation of Italian Cooperatives 2019
Upang maisakatuparan ang “vision” ni Pope Francis sa pagtatag ng mas maraming church cooperative sa ibat-ibang parokya at pagpapatatag sa mga existing na kooperatiba ay itinayo ng Archdiocese of Manila ang Ministry on Cooperatives and Social Enterprise Development (MCSED) na pamamahalaan ni Fr.Anton CT Pascual bilang minister.
Misyon ng MCSED na pag-isahin ang lahat ng church-based cooperative sa Metro Manila kasama ang pagbibigay ng training and education upang ma-empower ang mga lider at miyembro ng kooperatiba na mapaganda at mapabuti ang mga oportunidad tungo sa pag-unlad.
Sumainyo ang Katotohanan.