204 total views
Hindi pa rin malutas ang tunay na problema sa bansa, ang korupsyon at ang criminal justice system na dapat pag-ukulan ng pansin ng gobyerno sa halip na ibalik ang parusang bitay.
Inihalimbawa ni Buhay Partylist rep. Lito Atienza, ang mga napapatay ngayon na sangkot sa iligal na droga ay pawang maliliit subalit ang mga isinasangkot na malalaking tao mismo ng Pangulong Duterte, idinadaan sa due process.
“Ang tunay na problema hindi maasikaso. Ang tunay na problema ay ang ating corrupt, criminal justice system na hindi gumagana ng tama, mula sa arrest, prosecution, trial, detention, nakakawala ang mga guilty at yung maliliit na kriminal sila lang nahuhuli, kitang kita natin ngayon example ko malilit na sangkot sa droga pinapatay mahigit 100 na, pero yung mga heneral na sinasangkot by no less than the President of the land, ano ginagawa questioning tinatanong lang, nakikita natin ang problema ang sagot natin dito death penalty, bakit di tumbukim ang problema, parang duling ang criminal justice system, ang mga mayayaman nakakawala, pero yung mahihirap sila lang napaparusahan.” Ayon pa kay Atienza.
Kaugnay nito, ayon kay Atienza, malakas ang dating ng inihaing panukala sa Kamara para sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Ayon kay Atienza, ito’y dahil maliban sa House Bill number one, ito ay suportado pa ng Pangulong Duterte maliban pa sa maraming mga mambabatas ang bumaligtad na rin ngayon.
Dahil dito, nananawagan si Rep. Atienza sa publiko na magmuni-muni at manalangin na huwag pahintulutan ang ganitong uri ng batas na sisira sa buhay.
“Talaging malakas ang dating ng panukalang yan dahil kagusutuhan ng pangulo now at maraming congressmen na nagbalimbing na, matindi ang laban kaya ang aking dasal at pakiusap magmuni-muni samahan ng dasal ang ating desisyon at di magpatuklas sa sinasabsing matikid, madilim na landas na sisira sa atin pagpapahalag sa buhay, ang sabi ng Santo Papa let’s not support the culture of death.” Payahag ni Atienza sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.
Nito lamang nakalipas na dalawang buwan, nasa higit 50 ang napatay sa operasyon kontra bawal na gamot habang sa unang quarter ng taon mahigit 11,000 ang sumuko at mga naarestong drug pushers at drug users.
Una ng inihayag ng Santo Papa Francisco na ang lahat ay may karapatang magbago lalo na ang mga nalululong sa bawal na gamot subalit kinakailangan ang suporta sa kanila ng lipunan at ng kanilang pamilya para sa tuluyan nilang paggaling na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang sarili at ng komunidad.