799 total views
Pinaalalahanan ng kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na ang Krus ni Hesus ay sagisag ng tagumpay at buhay na walang hanggan.
Ito ang mensahe ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa paggunita ng senternaryo ng Pagkakatuklas sa Imahe ng Mahal na Krus sa Tondo, Manila.
Ayon sa opisyal, sa pamamagitan ng Banal na Krus ay niyakap ni Hesus ang kamatayan upang tubusin ang sangkatauhan sa kasalanan.
“Jesus our Savior, our wonderful God, reaches us out and embrace the second tree, the tree of the cross and turns the tree of death into the tree of life; and that is the mystery of our faith,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.
Tinukoy ng Nuncio ang buong kababaang-loob na pagyakap at pagbayubay ni Hesus sa krus upang iligtas ang tao sa kamatayang dulot ng kasalanan.
Hamon ni Archbishop Brown sa mananampalataya na yakapin ang Krus ng buhay sa anumang hamong kinakaharap sapagkat sinasagisag ng krus ang tagumpay tungo sa buhay na walang hanggan.
“Because of Jesus’ obedience to the Father, it becomes for us the source of life, because Jesus reaches out and embraces the tree of death on the cross; but he triumphs death, rises from the dead and the cross then becomes not a symbol of death, but a symbol of life,” ani ng Nuncio.
Ayon sa kasaysayan, natagpuan ni Crispino Lacandaso ang imahe ng krus ng biyakin ang puno ng Sampaloc noong Marso 23, 1922 sa Gagalangin Tondo Manila.
Kalaunan itinayo ang kapilya ng Kambal na Krus na dinadayo ng mga deboto at mananampalataya upang maghandog ng panalangin sa Banal na Krus ni Hesus.
Sa Ika – 100 Anibersaryo ng Pagkakatuklas ng Krus pinangunahan ni Archbishop Brown ang pagbabasbas sa marker ng kapilya na nilagdaan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.
Kasalukuyang nasa pangangalaga ito ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo Manila sa pamumuno ni Father Joselino Tuazon at pagtutulungan ng komunidad kasama ang pamilya ni Lacandaso.