215 total views
Ito ang naging pahayag ni dating Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani matapos lumabas sa pag – aaral ng NEDA o National Economic and Development Authority na nangangailan ng P120 libong piso ang isang pamilya na may apat na miyembro upang makapamuhay ng maginhawa.
Tiwala naman si Bishop Bacani na kung mabibigyan ng pamahalaan ang mga mahihirap ng sapat na pabahay ay mababawasan na ang kanilang gastusin at pangangailangan.
“P120 thousand a month ay yung komportableng buhay ‘yun. Hindi masama na hangarin natin yun pero hindi natin magagawa immediately ‘yun. Dapat unti – unti nilang nalalaman na pagsikapan na maabot na ‘yun ‘yung kinakailangan ng pamilya na P120 thousand. Kung meron mang bahay ang pamilya, hindi na mangangailangan ng P120 thousand ang pamilya a month na lower middle class,” bahagi ng pahayag ni Bishop Bacani sa Radyo Veritas.
Iginiit naman ni Asian Institute of Management Prof. Butch Valdes na kung bubuwagin ng Duterte administration ang mga proyekto ng Public – Private Partnership ay mas bababa ang presyo ng serbisyo at bilihin.
“Exactly, yan ang sinasabi, tama yan. Actually its more than a P120 thousand that they need for the family to survive. But that P120 thousand will become P200 thousand that they need because they are allowing private sectors to increase the prices of all public utilities in electricity, in water, in hospitalization, in medicine, in transportation. They are allowing through PPP the private sectors to increase the prices. And that 120 is not enough,” bahagi ng pahayag ni Valdes sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid na batay sa ginawang survey ng NEDA sa programa nitong “Ambisyon Natin 2040” na 79 na porsyento ng mga middle class family sa bansa ang humiling ng isang simple at komportableng buhay.
Nauna na ring binanggit ni Pope Francis na mahalaga na siguruhin ng lipunan na mapa-unlad ang pamumuhay ng bawat pamilya.