1,037 total views
Pingangambahan ng electric consumers group na Kuryente.Org ang patuloy na pagtaas ng singil ng kuryente.
Ayon kay Nic Satur – National Coordinar ng grupo, ang mataas na singil sa kuryente ay lalung magpapahirap sa ordinaryong mamamayan sa pinakaliblib na lugar sa bansa.
Tinukoy ni Satur ang tatlong dahilan sa mataas na presyo ng kuryente tulad ng labis na pagdepende ng Pilipinas sa imported na suplay ng fossil, hindi wastong pagpapatupad ng energy regulation policies at kakulangan ng pagkonsulta ng mga sangay ng pamahalaan sa mga konsyumer.
“We are vulnerable to the volatility that happens to the global prices so when coal prices goes up or increases, definitely apektado yung presyo ng kuryente natin ,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Satur.
Iminungkahi naman ni Satur sa pamahalaan na maghanap ng lokal na pagkukunan ng renewable energy resources upang mapababa ang singil ng kuryente sa bansa.
Mariing tinututulan ng Kuryente.Org ang petisyon ng Manila Electric Company (MERALCO) sa pamahalaan na panibagong pagtataas singil sa kuryente.
“Once na nag-price increase si MERALCO, aasahan po natin yan once na ma-approve yan ng ERC sunod-sunod na po yung mga iba na mga electric cooperatives at yung mga ibang utility distributors na mag-submit ng price increase,” pahayag ni Satur.
Ngayong buwan ng Setyembre ay muling nag-taas ang nangungunang electric provider sa National Capital Region at karatig lalawigan ng hanggang 39-sentimo kada kilo watt hour.
Nangangahulugang ito na aabot na sa 78-piso ang singil sa isang bahay na kumukunsumo ng 200 kilo watt per hour.
Una ng ipinananalangin ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na makalikha ng paraan ang pamahalaan upang maiwasan ang pagtaas sa presyo ng singil sa kuryente.