Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kwalipikasyon ng mga lingkod-bayan

SHARE THE TRUTH

 393 total views

Mga Kapanalig, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang kontrobersyal na personalidad na si Larry Gadon bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.  

Sa posisyong ito, makikipagtulungan si Secretary Gadon sa mga ahensya ng gobyerno, mga NGO, at iba pang sektor upang bumuo at magpatupad ng mga komprehensibong programang tutugon sa mga ugat ng kahirapan. Papayuhan niya ang pangulo tungkol sa mga kailangang gawin upang tuldukan ang kahirapan sa bansa. Gayunpaman, marami ang umalma sa pagkakatalaga ni Secretary Gadon sa posisyon.  

Noong Miyerkules, isang araw matapos inanunsyo ang kanyang appointment, inilabas ng Korte Suprema ang desisyon nitong i-disbar o tanggalin ang lisensya ni Secretary Gadon bilang abogado. Sa desisyong 15-0, lahat ng mahistrado ng Korte Suprema ay sumang-ayong hindi na karapat-dapat maging abogado si Secretary Gadon. Ito ay matapos ang paulit-ulit niyang pagmumura at pambabastos sa mamamahayag na si Raissa Robles sa isang viral video habang nangangampanya noong nakaraang eleksyon. Kaalyado ng pangulo si Secretary Gadon na tumakbo pang senador sa ilalim ng kanyang tiket ngunit natalo.  

Bago ang viral video, naging kontrobersyal din si Secretary Gadon sa panlalait sa mga tagasuporta ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa isang protesta habang nililitis ang impeachment case ng dating punong mahistrado. Noong 2016, inulan din siya ng kritisismo matapos niyang sabihing kailangang patayin ang mga Muslim dahil sila ang dahilan ng kaguluhan sa Mindanao. Maliban sa mga ito, mayroon pang anim na administrative cases sa Office of the Bar Confidant at apat na disciplinary cases sa Integrated Bar of the Philippines na kinakaharap si Secretary Gadon. Sa tingin ninyo, mga Kapanalig, ano ang sinasabi ng mga kontrobersyang ito tungkol sa kanyang karakter?  

Sa kabila ng negatibong imahe ng dating abogado, bilib si Pangulong BBM na magagawa ni Secretary Gadon ang kanyang trabaho nang maayos at mahusay. Hindi ito ang pananaw ng iba. Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa pangulo na muling pag-isipan ang pagtatalaga kay Secretary Gadon. Hindi raw magdudulot ng kumpiyansa sa gabinete ng pangulo ang pagkaka-disbar kay Secretary Gadon. Hindi rin naman daw siya eksperto sa isyu ng kahirapan. Sang-ayon si Liza Maza, dating pinuno ng National Anti-Poverty Commission, na dapat muling pag-isipan ng pangulo ang pagtatalaga kay Secretary Gadon. Aniya, maituturing na sampal sa pangulo ang desisyon ng Korte Suprema na tanggalin sa pagkaabogado si Secretary Gadon. Insulto rin daw ang pagtatalaga sa kanya sa mga babaeng pumapasan ng kahirapan sa bansa.  

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang kahalagahan ng moral na aspeto sa pamamahala. Ibig sabihin, inaasahan ang ating mga lingkod-bayang gamitin ang kanilang kapangyarihan upang maglingkod. Maipakikita ito sa pagkakaroon ng pasensya, kahinahunan, at pagkakawanggawa sa kanilang mga pinaglilingkuran. Ang tunay na lingkod-bayan ay gumagalang sa kanyang kapwa at nakatuon sa pagkamit ng kabutihang panlahat o common good 

Hindi maiiwasang may mga kumuwestyon sa pagtatalaga sa gobyerno ng mga taong nasasangkot sa mga kontrobersya at humaharap sa iba’t ibang kaso. Maituturing na salungat sa magandang plano ng Diyos sa pamamahala ang pagkakaroon ng mga pinunong may rekord ng pambabastos sa kapwa at may pagkiling sa karahasan. Maliban sa usapin ng kakayahan, naniniwala ang Simbahang importanteng kwalipikasyon ng mga lingkod-bayan ang kanilang mga pinahahalagahan (o values) at karakter upang tunay na makapaglingkod sa taumbayan.  

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa Mga Awit 78:72, kailangan natin ng mga lingkod-bayang “tapat ang puso at papatnubayan tayo sa pamamagitan ng kabihasahan ng kanyang kamay.” Mas piliin sana ni Pangulong Marcos Jr. ang mga lingkod-bayang bihasa ang kamay, may pusong marunong gumalang, at gagamitin ang kanilang posisyon upang tunay na maglingkod sa taumbayan, lalo na sa mahihirap.  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,982 total views

 20,982 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,638 total views

 35,638 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,753 total views

 45,753 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,330 total views

 55,330 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,319 total views

 75,319 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 20,983 total views

 20,983 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,330 total views

 2,330 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,639 total views

 35,639 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,754 total views

 45,754 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 55,331 total views

 55,331 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,320 total views

 75,320 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,809 total views

 47,809 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,834 total views

 42,834 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,403 total views

 46,403 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,858 total views

 58,858 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,925 total views

 69,925 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,244 total views

 76,244 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,855 total views

 80,855 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,415 total views

 82,415 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,976 total views

 47,976 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top