169 total views
Iminungkahi ng Filipinos for Life (F4L) ang mga pari sa bawat parokya na isama sa kanilang homiliya ang paglaban sa fake news.
Ayon kay Mike Mapa chairman ng Filipinos for Life, ito ay upang malaman ng mga mananampalataya kung paano susuriin ang mga fake news sites na nagtataglay ng fake news at misinformation.
“Sa mga parishes mismo, the clergy should be willing to speak about it and educate the parishioner sa mga homily ganyan. Yan ang network natin,” ayon kay Mapa.
Ito ang reaksyon ni Mapa, kaugnay sa isang ulat na naglabas ng pahayag ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kaso ng masaker sa Bulakan gayung ngayon pa lamang nagsisimula ang pulong ng mga Obispo.
Ayon kay Mapa, bagama’t tunay naman na kailangan ang pagpapatawad, ito ay laging may kaakibat na parusa sa kasalanang nagawa bilang ‘social justice” sa mga nagawan ng pagkakasala.