2,643 total views
Ang paglaban sa Climate Change at pagkamit ng maunlad na ekonomiya ay dapat na magkaugnay.
Ito ang inihayag ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez sa Joint High Level Segment ng Climate Change Summit sa Marrakech, Morroco.
Binigyang diin din ng kalihim na hindi na kinakailangang isaalang-alang ang pag-unlad ng ekonomiya upang magkaroon ng malinis na pagkukunan ng enerhiya at sustainable transportation.
Aniya, maaaring pagsabayin ang pangangalaga sa kalikasan habang umuunlad ang bawat bansa.
“We do not need to give up economic growth – from clean energy, to sustainable transportation, to all facets of life. We need to have the courage to change the way we do things. We cannot and must not build an economy based on suffering,” pahayag ni Sec. Lopez.
Iginiit rin nito, na hindi na maaaring lumagpas pa sa 1.5 degree centigrade ang temperatura ng daigdig dahil malaking kapahamakan ang idudulot nito.
Should the change in the planet’s temperature escalate to more than 1.5 degrees, we stand to lose whatever economic gains we make. The planet simply cannot afford an indecisive ambiguity about what needs to be done. The situation is clear – anything more than 1.5 degrees will destroy possibilities for quality of life,” dagdag pa ng kalihim.
Dahil sa pagpapabaya sa kalikasan, lumalala ang epekto ng mga natural calamities bunsod ng malawakang pagguho ng lupa at pagbaha dahil na rin sa pagpuputol ng mga puno, pagmimina at iba pang makasariling gawain ng ilang mapagsamantalang indibidwal.
Sa pag-aaral ng United States Environmental Protection Agency, natukoy na ang mga coal power plants ang pangunahing dahilan ng pagdami ng carbon emissions na naiipon sa kalawakan na sya namang dahilan ng pag-init ng mundo.
Dahil dito, hinimok ni Pope Francis ang mga mambabatas na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang mga Fossil Fuels upang sa mga susunod na taon ay tuluyan nang mawala ang lubhang mapaminsalang emissions na nagmumula sa pagsusunog nito