Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Labanan ang trolls sa halalan

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Mga Kapanalig, nakapag-post ka na ba sa social media ng iyong puna sa administrasyon at dinumog ng mga galít na tagasuporta nito?

Noong nakaraang linggo, naghain ang labindalawang senador ng isang resolusyon upang imbestigahan ang mga umano’y state-funded troll farms. Ayon sa mga senador, dapat malaman ng taumbayan kung napupunta sa mga trolls na nagpapakalat ng fake news ang buwis na dapat ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na ngayong pandemya. Nauna nang sinabi ng isang senador na mga opisyal mismo ng pamahalaan ang nagpasimuno nito upang siraan ang mga makakalaban ng administrasyon sa eleksyon sa 2022. Tila pangungutya naman ang naging sagot ng Malacañang sa hakbang na ito ng senado. Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “welcome” daw ang imbestigasyong ito. Sana rin daw ay isama sa mga iimbestigahan ang mga trolls na bumabanat sa kanya.

Ngunit hindi pagiging troll ang pagpuna sa pamahalaan. Gamit ang isang pekeng account, ang isang troll ay nagpapakalat ng mga fake news at maling impormasyon upang bumango ang pangalan ng isang pulitiko at siraan naman ang kanyang mga katunggali. Ngunit maging ang mga sikat na personalidad ay maaari ding maging instrumento ng misinformation. Sa mga nangyayari ngayon, ayon sa mga eksperto, tila ba nagiging normal na ang pagsisinungaling at panlilinlang. Ayon pa sa ilang pag-aaral, naglipana na ang mga troll farms na nagpapakalat ng fake news mula pa noong halalan ng 2016. Kung seryoso ang Senado sa imbestigasyong gagawin nito, kailangang tingnan nito ang iba’t ibang mekanismo ng pagpapakalat ng fake news. Kailangan ding bigyang-pansin kung paano pinatatahimik ang lehitimong media at mga kritiko ng pamahalaan.

Dagdag pa ng pag-aaral, hindi raw isang malungkot o walang magawang tao ang tipikal na troll. Maituturing siyang isang entrepreneur na ginagamit ang kanyang galing sa teknolohiya upang makakuha ng mga kliyente. Inihalintulad nila ito gawain ng isang public relations o PR firm na hinuhubog ang imahe ng mga kliyente nito. Balikan natin kung sinu-sino ang mga nananalo sa eleksyon noong 2016 at 2019 na bumango ang imahe. Mayroon kayang nananalo sa kanila dahil sa panlilinlang sa atin?

Ang mas nakalulungkot, tila walang ginagawang hakbang ang pamahalaan upang labanan ang sistematikong pagpapamanipula sa ating mga botante,. Ngunit paano nga ito lalabanan kung mismong buwis natin ang diumano’y ginagamit upang bayaran ang mga nasa likod ng mga pekeng balita at maling impormasyon? Paano nga ba natin lalaban ang fake news sa social media lalo na ngayong malapit na naman ang eleksyon?

Maging si Pope Francis, sa kanyang encyclical na Fratelli Tutti, ay nagpahayag ng kanyang pagkabahala sa “shameless aggression” ng mga trolls sa social media. Ayon sa Santo Papa, tila nakahanap ng walang hanggang espasyo ang ganitong ugali ng mga trolls sa ating mga computers at smartphones. Nagpapalaganap na nga sila ng maling impormasyon, hindi pa sila nakikinig sa kanilang kapwa. Kung noon daw ay nag-uusap tayo nang may respeto, ngayon ay galit at pang-iinsulto ang nangingibabaw at nagbubunga ng pagkakawatak-watak. Nalilimutan na nating ang demokrasya ay nakaugat sa bukás na pag-uugnayan ng mga mamamayan.

Mga Kapanalig, sa nalalapit na eleksyon, labanan natin ang fake news sa social media. Sa halip na patulan ang mga trolls, magpakalat lamang tayo ng tamang impormasyon—impormasyong may batayan at napatunayang totoo. Hindi kakayanin ng isang imbestigasyon sa Senado ang pagsugpo sa mga troll farms. Ang kinakailangan ay pumili tayo ng mga lider na hindi lulustayin ang ating buwis sa pagpapakalat ng fake news. Sabi nga sa Exodo 18:21, “pumili ka ng mga taong may kakayahan, may takot sa Diyos, mapagkakatiwalaan at ‘di masusuhulan.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 31,741 total views

 31,741 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,397 total views

 46,397 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,512 total views

 56,512 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 66,089 total views

 66,089 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,078 total views

 86,078 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 31,742 total views

 31,742 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,073 total views

 3,073 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 46,398 total views

 46,398 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 56,513 total views

 56,513 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 66,090 total views

 66,090 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 86,079 total views

 86,079 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,778 total views

 48,778 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,803 total views

 43,803 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,372 total views

 47,372 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,827 total views

 59,827 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,894 total views

 70,894 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,213 total views

 77,213 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,824 total views

 81,824 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,384 total views

 83,384 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,945 total views

 48,945 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top