350 total views
Nangangamba si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa kasalukuyang henerasyon na mas pinagtutuunan ng pansin ang wedding preparations sa halip na pahalagahan at labis na paghandaan ang buhay pag-aasawa.
Ayon sa Obispo, ito marahil ang dahilan na maraming Pilipino ang sumusuporta sa pagsusulong ng legalisasyon ng diborsyo sa Pilipinas.
Sinabi ng Obispo na ang pag-iisang dibdib ay marapat lamang na paghandaan sapagkat ito ay habambuhay na pakikipagtipan sa pagitan ng mag-asawa at sa Panginoon.
Paalala ng opisyal ang taimtim na pananalangin at pagninilay ng lalaki at babae sa pagdidesisyong mag-asawa.
“The demand for divorce is likely to grow because many people are focused on wedding preparations than on preparing for married life,” bahagi ng maymay sa magbalantay ni Bishop Uy.
Iginiit ni Bishop Uy na kabilang sa paghahanda sa sakramento ng kasal ay ang katesismo hinggil sa pakikipagtipan sa Panginoon gayundin ang paghuhubog sa buhay pagpapamilya na pundasyon sa isang matatag na lipunan at simbahan.
Mariin ang paninindigan ng simbahan na hindi kinakailangan ang engrandeng kasal sa halip pagtuunan ng pansin ang sakramento at mga tatanggaping biyayang kaakibat nito.
Matatandaang sa resulta ng Veritas Truth Survey noong 2018, 39 na porsyento sa 1, 200 respondents ang sang-ayon sa diborsyo habang 35 porsyento lamang ang tumutol ngunit noong Marso 2024 sa Social Weather Stations Survey 50 porsyento sa mga
Pilipino ang pabor sa diborsyo habang 31 porsyento lamang ang tutol.
Mag-isang taon nang maipasa sa mababang kapulungan ng kongeso ang House Bill 9349 o “Absolute Divorce Act” kung saan 131 na mambabatas ang pabor habang 109 ang tumutol sa panukala.
Ngayong nalalapit na ang halalan nagsagawa ng pag-aaral ang public opinion research firm WR Numero kung saan apat sa bawat 10 kalalakihang botante ang hindi susuporta sa mga kandidatong pro-divorce habang sa kababaihan naman ay naitala sa tatlo sa 10 babae.
Patuloy na maninindigan ang simbahang katolika laban sa anumang bantang sisira sa pamilya at buhay ng tao tulad ng death bills kabilang ang diborsyo, death penalty at iba pa.