1,625 total views
Nananawagan ng suporta ang mga labor advocates sa isasagawang International Labor Organization High Level Tripartite Mission (ILO-HLTM) sa Pilipinas sa January 23 hanggang 27.
Ayon kay Atty Sonny Matula – Pangulo ng Federations of Free Workers (FFW), layon ng ILO-HLTM na tulungan ang mga manggagawang pinaslang o nakatanggap ng paniniil na makamit ang katarungan.
Umaasa din ang F-F-WK na makakamit na ng sektor ng manggagawa ang mga ipinanawagan na pagtataas ng suwedo at kalayaan sa pagtataguyod ng mga labor unions at organizations.
“Yung mga nangyayari sa Pilipinas sa kasalukuyan ay hindi maaring ihiwalay sa ating mga relasyon sa ibang bansa lalung-lalu na tayo po ay kasapi sa mga international organizations na katulad ng International Labour Organization, United Nations at iba pa, Kaya po dapat yung ating mga tao sa gobyerno ay sumunod doon sa ating mga commitments, sa international agreements, sa mga international conventions,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Atty.Matula.
Paanyaya naman ni Rochelle Porras – Executive Director ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) sa mga manggagawa at mamamayan ang pakikiisa sa mga programang ihahanda ng labor groups sa pagdaraos ng ILO-HLTM sa bansa.
Ito ay upang mapalalim ang kanilang kaalaman sa paniniil at extra judicial killings na nararanasan ng mga labor leaders at members.
Ang High Level Tripartite Mission ay imbestigasyon ng International Labor Organization sa mga karahasan at pagpaslang sa hanay ng mga manggagawa.
Batay sa datos ng EILER at FFW, aabot sa mahigit 60-labor leaders at member ang pinaslang sa pagitan ng ng 2016 hanggang sa kasalukuyan.
“Justice delayed is justice denied so inabot ng ilang taon at yung proseso, ang pinapanawagan natin ngayon ay pakinggan yung mga recommendations mula doon sa mga cases, sa paparating na investigations hahantong kasi yan sa pagbubuo ng mga recommendations”.pahayag ni Porras sa Radio Veritas.