74 total views
Inihayag ni Kilusang Mayo Uno Secretary General Jerome Adonis na naging kakampi ng sektor ng mga manggagawa sa buong mundo si Pope Francis sa pagkamit ng katarungang panlipunan.
Inalala naman ni Adonis ang mensahe ni Pope Francis para sa sanlibutan sa kaniyang Evangelii Gaudium na kaakibat ng misyon ng simbahan na palaganapin ang pananampalataya ay tungkulin din na maging boses upang makamit ang nakakabuhay na halaga ng suweldo.
“A just wage enables them to have adequate access to all the other goods which are destined for our common use, Kilusang Mayo Uno hopes that the Pope’s aspirations for the working class continue to inspire workers all over the world to fight for just wages, decent work, and, ultimately, dignity of life,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Adonis sa Radio Veritas.
Inalala naman ni Federation of Free Workers National President Atty Sonny Matula sa yumaong lider ng simbahan na naging mahalaga ang pakikiisa nito sa labor sector at paninindigan sa kahalagahan ng Union at katarangunan panlipunan para sa mga manggagawang nakakaranas ng pang-aapi, pang-aalipusta at pagmamalabis ng mga employers maging ng mga opisyal ng pamahalaan.
Inalala din ni Matula ang pakikiisa ni Pope Francis sa pagkundena sa Kapitalismo at pagiging gahaman ng maraming kompanya na pinipiling hindi wastong ibigay ang suweldo ng maraming manggagawa.
Nagpapasalamat si Matula sa pakikiisa ng Santo Papa sa mga mahihirap at pinakanangangailangan.
“He championed the dignity of labor and upheld the vital role of unions in promoting social justice. For Pope Francis, work was sacred—an expression of human dignity and participation in God’s creation, Pope Francis was the pontiff who said: “Loving wealth destroys the soul, and cheating people of their just wages and benefits is a mortal sin, He will be remembered as a friend to workers and trade unionists, a courageous moral leader, a voice for the poor, and a steadfast companion in the struggle for a better, fairer world for all,” ayon naman sa mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.
Inalala naman ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER) ang naging adbokasiya ng Kaniyang Kabanalang Francisco tungo sa pagsusulong ng kapakanan at kabutihan ng mga mangggawa dahil napakahalaga ang pagtutuon ng yumaong lider ng simbahan sa mga usapin na isinusulong ang karapatan o dignidad sa paggawa.
Kinilala din ng EILER ang naging pakikiisa ni Pope Francis sa mga miyembro ng union at kalagahan ng pagtatayo nito upang magkaroon ng pamamagitan ang mga manggagawa na maiparating sa mga employers at pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
nagpapasalamat ang labor institution kay Pope Francis dahil sa kaniyang pamumuno ay naisulong and ibat-ibang ecumenism at interfaith dialogue sa lipunan.
“We commemorate the life of Pope Francis whose ministry centered in the service of the poor, trade unionists and the marginalized, and advocated for ecumenism and interfaith dialogue, Rest in power, Pope Francis! ✝️,” ayon naman sa mensahe ng EILER.
April 21 ng Easter Monday Pasado 7:35am sa oras sa Roma sa Casa Santa Marta sa Vatican ng inanunsyo ni Apostolic Chamber Camerlengo Cardinal Kevin Farrell ang pagpanaw ni Pope Francis.
Noong 2022, sa kaniyang pakikipag-dayalogo sa Italian General Confederation of Labour, ipinarating ni Pope Francis sa buong mundo na sa pamamagitan ng mga ‘Union’ sa lipunan at malayang naipapahayag ng mga manggagawa ang kanilang mga saloobin at nakakamit ang kanilang mga apela.
Naging aktibo rin si Pope Francis sa pagsusulong ng kaligtasan ng mga lugar ng paggawa upang matiyak na ligtas at malayo sa anumang aksidente ang mga manggagawa na tanging nagtatrabaho upang mayroong maipangtustos sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.