Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Laganap na kagutuman at kaguluhan, ikinababahala ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 382 total views

Nababahala ang opisyal ng Vatican sa paglaganap ng labis na kagutuman sa iba’t ibang bahaging daigdig.

Ayon kay Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples at Presidente ng Caritas International, hindi dapat kalimutan ang mapanganib na virus ng pagkagutom at kahirapan na naging mas malala dahil sa coronavirus pandemic.

“Bago pa ang COVID-19 pandemic may virus na kalat at nararanasan sa buong mundo: hunger and poverty.
Masasabing kasing grabe o mas grabe kaysa sa COVID-19 virus ang hunger at poverty na laganap sa mundo; nakakalungkot lang na halos napabayaan ito. Kasama dapat ito sa pagtutok sa pandemic,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Radio Veritas.

Tinukoy din ni Cardinal Tagle na nakadagdag sa krisis ng kagutuman ang kaguluhan sa ibat-ibang bansa.

“Nadagdag pa ang kaguluhan sa Ibang bansa tulad ng Afghanistan, Myanmar, Lebanon at lindol sa Haiti” pahayag ni Cardinal Tagle

Batay sa tala ng United Nations food agencies umaabot sa 690-milyong katao o katumbas sa 8.9 porsyento sa kabuuang populasyon ng daigdig ang natutulog sa gabi na gutom mula pa noong 2014.

Sa taya naman ng World Bank inaasahang aabot sa halos 150 milyong katao sa buong mundo ang makaranas ng extreme poverty ngayong 2021 dahil sa labis na epekto ng pandemya sa kabuhayan ng maraming mamamayan.

Dahil dito tiniyak ni Cardinal Tagle na siyang pangulo ng Caritas Internationalis, ang social arm ng simbahang katolika ang patuloy na pagkilos upang tulungan ang mamamayan na nakararanas ng labis na kagutuman.

Naglunsad ng iba’t ibang programa ang mga social arm ng simbahan sa buong daigdig na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan partikular na ang mga nasasalanta ng mga kalamidad, biktima ng karahasan at iba pang suliranin.

Sa Pilipinas naitala ang 4.2 milyong pamilya ang nagugutom noong Mayo sa isinagawang pag-aaralng Social Weather Station kasunod ng pagpatupad ng mahigpit na community quarantine noong Abril.

Dahil dito tuloy-tuloy ang Caritas Manila ng Archdiocese of Manila sa pamamahagi ng mga gift certificates na nagkakahalaga ng isanlibong piso sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila at iba pang lalawigan ng bansa bilang tulong sa naapektuhan ng pandemya.

Bukod pa rito ang pagtugon na ginagawa ng Caritas Philippines at mga social action centers ng bawat parokya.

Hamon ni Cardinal Tagle sa bawat mamamayan lalo na ang mga nakaluluwag sa buhay na makiisa sa pagtugon at paglingap sa pangangailangan ng kapwa upang maibsan ang hirap na naranasan, na naging malala dahil sa pandemic.

Nanawagan din ang Kardinal na Ingatan natin ang kalikasan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BAYANIHAN

 2,154 total views

 2,154 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 25,599 total views

 25,599 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Pagtigil sa mother tongue-based education

 42,361 total views

 42,361 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 55,420 total views

 55,420 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »

Mga bunga ng ating paglimot

 53,483 total views

 53,483 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Norman Dequia

“The worst flooding that we have experienced,’’ – Legazpi Bishop Baylon

 2,247 total views

 2,247 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of Legazpi para sa katatagan ng mamamayang labis naapektuhan ng Bagyong Kristine. Ayon kay Bishop Joel Baylon ito ang pinakamalubhang pagbaha na naranasan sa lalawigan ng Albay sa loob ng tatlong dekada. “In the last 30 years this is the worst flooding that we have experienced here in

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, hinimok ng Obispo na maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon

 4,701 total views

 4,701 total views Hinimok ng opisyal ng World Apostolic Congress on Mercy (WACOM) ang mga dumalo sa 5th Asian Apostolic Congress on Mercy na patuloy maging daluyan ng habag at awa ng Panginoon sa kapwa. Ayon kay WACOM Episcopal Coordinator for Asia, Antipolo Bishop Ruperto Santos dapat isabuhay ng mga deboto ang bawat natutuhan sa congress

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Igalang ang mga namayapa-Bishop Santos

 4,769 total views

 4,769 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na igalang ang mga namayapa. Ito ang pahayag ng obispo sa nalalapit na paggunita ng mga yumaong mahal sa buhay o undas sa November 2. Binigyang diin ni Bishop Santos na ang pagbibigay ng maayos na himlayan sa mga namayapa ay isa sa mga nararapat

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Stella Maris Philippines, patuloy na makikilakbay sa mga seafarer

 4,890 total views

 4,890 total views Tiniyak ng Stella Maris Philippines ang patuloy na paglilingkod sa mga manggagawa sa karagatan at kanilang mga pamilya. Ayon kay National Coordinator Fr. John Mission na mahalagang kalingain ang hanay ng mga seafarers at iba pang manggagawa sa sektor alinsunod sa Stella Maris Moto Propio ni St. John Paul II. “Our commitment will

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Antipolo Auxiliary Bishop, itinalagang Obispo ng Diocese of Catarman

 5,130 total views

 5,130 total views Pormal nang itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop Nolly Buco bilang ikatlong obispo ng Diocese of Catarman. December 2023 nang unang itinalaga ang obispo bilang tagapangasiwa sa diyosesis makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Emmanuel Trance dahil sa usaping kalusugan. Inanunsyo ng Vatican ang appointment ni Bishop Buco na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“God’s mercy is mercy in action!”

 5,318 total views

 5,318 total views Itinuring na ‘mercy in action’ ng St. Joseph the Patriarch Parish sa Mabolo Cebu City ang kawanggawang isinagawa ng ilang delegado ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon kay Parish Priest Fr. Benedicto Tao mahalagang maibahagi ng mga delegado ang habag at awang naranasan sa pakikiisa sa AACOM upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Divine mercy devotion, ibahagi sa iba

 5,882 total views

 5,882 total views Umaasa ang Divine Mercy Ministry ng Archdiocese of Cebu na paigtingin ng bawat binyagang kristiyano ang debosyon sa Divine Mercy. Ayon kay ministry Spiritual Director Fr. Lucas Inoc nawa’y magbunga ng malalim na pang-unawa sa habag at awa ng Panginoon upang maibahagi sa kapwa. Aniya bawat isa ay nangangailangan ng habag mula sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Be the light house that provides hope and direction.

 6,258 total views

 6,258 total views Ito ang apela ni CBCP Bishop Promoter of Stella Maris-Philippines, Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga lider ng pamahalaan at lingkod ng simbahang naglilingkod sa kapakanan ng mga seafarers kabilang na ang mga mangingisda. Sa pagtatapos ng 2-day Migrant Fishers Leader’s Assembly na ginanap sa Cebu City binigyang diin ni Bishop Santos ang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Arsobispo ng Cebu, nanawagan ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 6,472 total views

 6,472 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na suportahan ang inisyatibo ng Aid to the Church in Need na ‘One million children praying the rosary’. Ayon sa arsobispo mahalagang tulungan ang mga batang mahubog ang pananampalataya at mapalalim ang ugnayan sa Panginoon. Aniya nararapat suportahan ang mga kabataan at magbuklod ang pamayanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagbebenta, pagbili ng boto: Pagkakait sa pagkakaroon ng mahuhusay na pinuno ng bayan, ayon sa Obispo

 6,693 total views

 6,693 total views “We need to give our country a chance to change.” Ito ang hamon ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan hinggil sa nalalapit na 2025 midterm national and local elections. Sinabi ng obispo na isa mabisang paraan upang makamit ang tunay na pag-unlad ang paglaban sa talamak na vote buying tuwing halalan. “Vote

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

 6,747 total views

 6,747 total views “Malipayon kong modawat sa maong assignment.” Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur. Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagiging host ng AACOM, ipinagpasalamat ng Archdiocese of Cebu

 6,771 total views

 6,771 total views Ikinagalak ni Cebu Archbishop Jose Palma ang pagiging host archdiocese ng ikalimang Asian Apostolic Congress on Mercy (AACOM). Ayon sa arsobispo magandang pagkakataon ang pagtitipon na isang paraan upang muling paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang habag at awa. “We feel privilege once more to host the AACOM

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur, itinatag ng Santo Papa

 6,802 total views

 6,802 total views Itinatag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Diocese of Prosperidad na magpapastol sa mananampalataya ng Agusan Del Sur. Kasabay nito itinalaga ng santo papa si Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo bilang kauna-unahang obispo sa itinatag na diyosesis. Inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla na hatiin ang Diocese of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pinakamapinsalang lindol sa Bohol, inalala

 7,422 total views

 7,422 total views Isinagawa ng Diocese of Tagbilaran ang Day of Prayer para gunitain ang mga biktima ng magnitude 7.2 na lindol 11-taon ang nakalilipas. Ayon kay Bishop Alberto Uy, bagamat mahigit isang dekada na ang nakalipas sa mapaminsalang lindol ay patuloy pa rin ang pagbangon ng mga Boholano sa tulong at gabay ng Panginoon. “Let

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, pinaalalahanan ng Papal Nuncio sa dakilang habag at awa ng Panginoon

 7,483 total views

 7,483 total views Pinaalalahanan ng kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas ang mananampalataya sa dakilang habag at awa ng Panginoong ipinadama sa sangkatauhan. Sa pagbukas ng 5th Asian Apostolic Congress on Mercy sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu sinabi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown na ang pag-alay ni Hesus ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top