212 total views
Ang paggunita sa kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia ay para sa lahat ng sektor sa lipunan.
Ito ang ibinahagi ni Archdiocese of Nueva Caceres Social Communications Director Rev. Fr. Luisito Occiano kaugnay sa pagtatakda ng partikular na sektor na ipapanalangin sa bawat araw ng pagno-novena sa paggunita ng dakilang Kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa ika-22 ng Setyembre.
Nilinaw ng Pari na hindi lamang para sa mga lingkod ng Simbahan ang pagdiriwang sa halip ay para sa lahat ng miyembro ng komunidad.
Kabilang rin sa isinama ng Simbahan sa pananalangin ng novena sa Mahal na Ina ng Peñafrancia ay ang mga mahihirap, may kapansanan, matatanda, bilanggo, mga mamamahayag at maging mga opisyal ng pamahalaan.
“May day allocated special day for every sector of the community may for the young, for the religious, may for the media. So lahat po yan iniinvite natin na mag-attend sa misa so that they will be involve and they will be part of the celebration hindi lang po ito para sa mga madre o para sa mga pari, lahat po ng sectors of the community are they are all invited kahit yung sa government leaders, kahit yung nasa military and sa PNP lahat po ini-involve po natin”. pahayag ni Father Occiano.
Samantala, hango sa Year of the Youth ang tema ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival ngayong taon na “Doing Christ’s Mission with Youthful Hearts with Mary” na layuning na mas mapalalim pa ang pananampalataya ng mga kabataan upang maging daluyan sa pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Ina.
Tumatagal ng isang linggo ang Pista ng Our Lady of Peñafrancia na nagsisimula noong Biyernes ika-13 ng Setyembre kung saan inilipat ang milagrosong imahen ng Nuestra Señora de Peñafrancia mula sa kanyang shrine patungo sa Naga Metropolitan Cathedral sa pamamamagitan ng Translacion o prosesyon.
Isa lamang ito sa tatlong gawain ang pinakatambok sa pagdiriwang sa kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia bukod pa sa Fluvial Procession na nakatakda sa ika-21 ng Setyembre at ang mismong Dakilang Kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia sa ika-22 ng Setyembre.