Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lahat ng Senior Citizens, garantisado sa PhilHealth

SHARE THE TRUTH

 63,183 total views

Muling ginarantiyahan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na may benepisyong makakamtan sa panahon ng pagpapa-ospital at maging sa paggamit  ng primary care  services sa buong bansa.

Ito ay tiniyak ng PhilHealth sa pagtatapos ng paggunita sa mga nakatatandang Filipino ngayong buwan kung saan naging bahagi ng  selebrasyon ang  pirmahan ng isang kasunduam sa pagitan ng PhilHealth at National Commission of Senior Citizen.

Ito ay para mas mapagbuti ang membership database system,  mapalawak pa ang mga benepisyo at mapabuti ng serbisyo para sa 13.8 milyong nakatatanda at dependents nila sa ilalim ng Lifetime at Senior Citizens Program ng PhilHealth.

Pinaalalahanan din ng Ahensya na ang lahat ng nakatatanda ay maaaring makagamit ng ilang outpatient benefits, Z Benefit Packages at ng Konsulta o Konsultasyong Sulit at Tama Package kung saan sila ay prayoridad.

Kasama sa PhilHealth Konsulta Package ang targeted health risk screening at assessment, initial at follow-up consultations, mga piling laboratory test at gamot batay sa rekomendasyon ng primary care provider na pinili nila at kung saan sila nakarehistro.

Kabilang sa mga laboratoryo ay complete blood count with platelet count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fecal occult blood, Pap smear, lipid profile, fasting blood sugar, oral glucose tolerance test, electrocardiogram, creatinine at HbA1c.

Samantala, kasama rin sa Konsulta Package ang mga gamot na anti-microbial, anti-asthma, antipyretics, anti-dyslipidemia, anti-diabetic, at anti-hypertensive, anti-thrombotic, anti-histamines, at fluids at electrolytes para sa dehydration.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 4,328 total views

 4,328 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 20,914 total views

 20,914 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,284 total views

 22,284 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 29,977 total views

 29,977 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 35,481 total views

 35,481 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top