949 total views
Pinasalamatan ni Archdiocese of Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mananampalataya ng arkidiyosesis sa mainit na pagtanggap sa kanya bilang bagong pinunong pastol.
Ito ang pagninilay ng cardinal sa misang ginanap sa Manila Cathedral nitong ika-25 ng Hunyo na bahagi pa rin ng pagsalubong sa bagong talagang arsobispo.
Kinilala ni Cardinal Advincula ang malaking gampanin ng mga layko bilang ito ang bumubuo sa malaking bahagi ng simbahang katolika.
“You compromise the 90 percent of the Catholic community of the Archdiocese of Manila. Your number alone makes you indispensable and crucial. But more than the number, your indispensable and crucial roles lies in this: as sharers in the Church’s saving mission,” ayon kay Cardinal Advincula.
Ibinahagi pa ng cardinal ang mensahe ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for The Evangelizations of Peoples at dating arsobispo ng Maynila kung saan hamon nito sa mananampalataya ng arkidiyosesis na tuklasin ang bawat kaloob sa sarili na maaring maiambag sa simbahan upang higit na mapalago ang pananampalataya kasama ang bagong punong pastol.
Ayon sa opisyal ng Vatican sa ganitong paraan matutulungan ng mananampalataya si Cardinal Advincula sa pagpapalago ng pananampalatayang kristiyano.
“You and I are joined together by a close relationship. As your shepherd, I am called to minister to you, while you as members of Christ’s flock are called to eagerly collaborate with me as your shepherd and teacher. But all of us are Christ’s witness and living instruments towards the fulfillment of his saving mission,” ani ng Cardinal.
Dumalo sa pagtitipon ang 400 mga layko ng arkidiyosesis na kumakatawan sa mahigit tatlong milyong mananampalataya sa limang mga lungsod na binubuo ng 94 na mga parokya.
Umaasa si Cardinal Advincula na sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan, pakikiisa at pagtutulungan ng bawat isa ay maitaguyodd nito ang bagong misyon na iniatang ng inang simbahan.