184 total views
Umaasa ang Catholic Bishops Conference of the Philippine Episcopal Commission on the Laity na maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang land reform at tunay na suporta sa mga magsasaka upang umunlad ang sektor ng agrikultura.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng commission, support services sa mga magsasaka ang hindi naibigay ng Aquino administration kung kayat hanggang sa kasalukuyan ay mahirap pa rin ang mga magsasaka sa bansa.
“Inaasahan natin ‘yung land reform ipagpatuloy niya at mabigyan ng mga support services at tapusin sana ‘yung land reform ‘yan ang inaasahan natin para sa mga farmers natin. Maging ang Hacienda Luisita ay inaasahang mabigyan ng full support upang hindi ibenta ng mga magsasaka ang kanilang mga pag-aaring lupa. Igagalang ‘yung reclassification ng mga lupa’ yung national utilization law na iyon ay magkaroon talaga ng maayos na classification ng lupa, ” pahayag ni Bishop Pabillo
Samantala, sa panunungkulan ni Pangulong Aquino sa 150-billion pesos na pondo ng CARP law ay ginawa itong 18-billion kayat kulang ang support services para sa may 1.5-milyong hektarya ng lupa na sakop ng batas. (Riza Mendoza)