Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lantarang pagpanig ng mga pulis?

SHARE THE TRUTH

 303 total views

Mga Kapanalig, lumutang na sa wakas ang driver ng SUV na sumagasa at ginulungan ang isang sumisitang security guard sa Mandaluyong City matapos ang dalawang linggong pag-iwas sa pag-aresto sa kanya ng mga pulis.

Matatandaang kumalat ang video ng pag-hit-and-run sa security guard ng isang mall na pinahihinto ang sasakyan upang dumaloy nang maayos ang trapiko sa lugar. Sa halip na tumigil, binangga ng drayber ang guwardya at ginulungan pa ito hanggang sa makaalis. Agad na dinala sa pagamutan ang security guard, habang pinasusuko ng awtoridad ang sumagasang drayber. May pulitiko pa ngang nag-alok ng pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa drayber ng SUV. Binawi ng LTO ang lisensya ng drayber na natuklasang ilang beses na ring nasangkot sa reckless driving. Nagsampa naman ang pulis Mandaluyong ng kasong frustrated murder at pag-abandona sa biktima.

Ngunit hindi basta-bastang pagsuko ang ginawa ng 34 na taóng gulang na si Jose Antonio Sanvicente, ang drayber ng SUV. Kasama ang kanyang mga magulang at abogado, humarap siya sa isang press conference sa Camp Crame. Para nga silang nasa isang talk show kung saan ipinaliwanag ng kanyang nanay kung bakit matapos ang ilang linggo ay nagpasyang sumuko ang kanilang anak. Humingi ng paumanhin ang suspek sa kanyang na-hit-and-run. Hindi siya hinuli ng mga pulis dahil lumampas na raw ang panahong maaari itong gawin sa isang suspek. Natapos ang press con at malayang nakaalis si Sanvicente.

Kung pobreng drayber siguro ang naka-hit-and-run, tiyak na iba ang magiging eksena ng ating kapulisan. Pagpapalitin ng damit ang suspek na para bang deretso na siya sa bilangguan. Habang nakaposas ang kanyang mga kamay at napapagitnaan ang mga pulis, nakatayo ang suspek sa likod ng nakaupong mga pulis na ipinagmamalaki ang pagkakahuli nila sa kanya. Nakayuko siya sa kahihiyan pero pipilitin siya ng mga pulis na ipakita ang kanyang mukha sa nakasisilaw na kamera ng mga taga-media. Sasabunin nila—o kaya ay mumurahin pa—ang suspek. Matapos ikuwento ang kanilang matagumpay na pagdakip, dadalhin na nila ang suspek sa kulungan kung saan susundan pa rin siya ng media upang ipakita ang simula ng kalbaryong kanyang dadanasin. Masuwerte pa nga kung nahuli nila nang buhay ang suspek. Kung mahihirap na drug personalities o mahihirap na suspek ang kanilang dadakpin, malamang ay naliligo na sa kanilang dugo ang mga suspek at sasabihin na lang ng mga pulis sa media na nanlaban sila. Tapos ang usapan.

Ito ang mukha ng katarungan sa ating bayan. Lantaran ang pagpanig sa mga maykaya at may koneksyon sa mga nasa poder. Kung may pera ka, makakukuha ka ng serbisyo ng magagaling na abogadong makahahanap ng paraan upang hindi ka paghimasin ng malamig na rehas. Mahirap tuloy na hindi isiping para lamang sa mga may pera at may impluwensya ang katarungan.

Sa pananampalatayang Kristiyano, naniniwala tayong walang krimen o sentensyang makapagbabago sa taglay na dignidad ng bawat tao. Anuman ang antas sa pamumuhay, ang mga nagkakasala sa batas ay mga taong karapat-dapat na bigyan ng pagkakataong itama ang kanilang pagkakamali. Ang kaparusahang itinatakda ng batas ay dapat na ipinapataw sa sinumang mapatutunayang nakagawa ng krimen. Ngunit sa Pilipinas, bago pa man dumaan sa tamang proseso ng batas, may mga pinapaboran na ang mga nagpapatupad ng batas at may mga taong ang kanilang dignidad ay hindi na kinikilala.

Mga Kapanalig, nawa’y magkaroon tayo ng mga tagapagpatupad ng batas na, katulad ng nakasaad sa Mga Awit 106:3, “makatarungan [at] gawang matuwid ang adhika sa buo [nilang] buhay.” Huwag sanang hayaan ng kapulisan na magpatuloy ang masamang imahe nila sa mata ng publiko, lalo na sa mahihirap at walang kalaban-laban.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,429 total views

 16,429 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,085 total views

 31,085 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,200 total views

 41,200 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,777 total views

 50,777 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,766 total views

 70,766 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 16,430 total views

 16,430 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,997 total views

 1,997 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,086 total views

 31,086 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,201 total views

 41,201 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,778 total views

 50,778 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,767 total views

 70,767 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,382 total views

 47,382 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,407 total views

 42,407 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,976 total views

 45,976 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,431 total views

 58,431 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,498 total views

 69,498 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,817 total views

 75,817 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,429 total views

 80,429 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,989 total views

 81,989 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,550 total views

 47,550 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top