Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 448 total views

Mga Kapanalig, noong ika-4 ng Oktubre, inilabas ni Pope Francis ang kanyang bagong apostolic exhortation na pinamagatang Laudate Deum. Kasabay ito ng pagtatapos ng Season of Creation 2023 at pagdiriwang ng kapistahan ni San Francisco de Asis, ang patron ng kalikasan. Ang Laudate Deum ay tinatawag na sequel o kasunod ng Laudato Si’ na ensiklikal ni Pope Francis noong 2015. Ang bagong dokumento ay panawagan ng Santo Papa sa pagtugon sa krisis sa klima, lalo na’t nalalapit na ang COP28 o ang 28th Conference of the Parties to the UN Framework Convention on Climate Change na gaganapin sa Dubai.

Walong taon na ang nakalipas matapos ilabas ni Pope Francis ang Laudato Si’ kung saan ipinahayag niya ang kanyang mensahe tungkol sa pangangalaga sa nag-iisa nating tahanan. Sa Laudate Deum, ibinahagi ng Santo Papa ang kanyang pag-áalala at panawagan para sa buong mundo tungkol sa krisis sa klima. Wika niya, sa kabila ng lumalaganap na climate change denial o pagtatanggi at pagdududa sa siyentipikong consensus sa pagbabago ng klima, hindi na maikakaila ang mga tumitinding epekto ng climate change. At ang pinakaapektado ay ang mga bulnerableng sektor at mahihirap na bansang kumpara sa mayayamang bansa, ‘di hamak na maliit lang ang kontribusyon sa greenhouse gas emissions na nagpapainit sa mundo. Gayunpaman, mabagal at hindi raw sapat ang pagtugon natin sa lumalalang krisis sa klima habang posibleng papalapit na ang mundo sa breaking point nito. Batay nga sa mga record-breaking extreme weather events nitong mga nakaraang buwan, kailangang seryosohin na ng pandaigdigang komunidad ang pagpigil sa tumitinding pag-init ng mundo. There is no time to lose.

Isa sa mga makasaysayang extreme weather events nitong taon ay ang naganap na “hottest summer” sa mundo. Ayon sa World Meteorological Organization at Copernicus Climate Change Service ng European Union, naranasan ng mundo ang pinakamatinding tag-init on record sa Northern Hemisphere noong Hunyo hanggang Agosto nitong taon. Paliwanag ng mga siyentipiko, ang tumitinding pag-init ng mundo ay dulot ng pagsusunog ng mga fossil fuels katulad ng coal, petrolyo, at natural gas. Kaya naman, nagbabala si UN secretary general António Guterres na nagsisimula na ang climate breakdown.

Panawagan din ng Santo Papa ang “multilateralism from below” o ang pagtutulungan ng mga bansa mula sa ibaba kung saan hawak ng mga mamamayan ang kapangyarihang pulitikal sa pagtugon sa krisis sa klima. Hangga’t nangingibabaw ang interes ng mga makapangyarihang pagpapalago ng kìta ang prayoridad, hindi makokontrol ang pinsala sa kapaligiran. Wika ni Pope Francis, kailangan ang pagpapataas ng demokratisasyon sa pandaigdigang konteksto. Hindi raw nakatutulong para sa atin ang pagsuporta sa mga institusyong nagtataguyod sa pribilehiyo ng mga makapangyarihan at hindi inaalala ang kabutihang panlahat. 

Binigyang-diin din ni Pope Francis sa Laudate Deum ang pagpapanatili ng pag-asa. Aniya, ang pagtanggap na wala nang pag-asa ay tila pagpapakamatay. Ito daw ay nangangahulugang paglantad sa sangkatauhan, lalo na sa pinakamahihirap, sa pinakamasamang epekto ng climate change. Sa darating na COP28, ipagdasal nating mabigyang-daan ang mga hakbang sa epektibong pagtugon sa krisis sa klima katulad ng mabilis at makatarungang energy transition. Dito naman sa Pilipinas, ipanawagan natin sa pamahalaan ang karapatan natin sa climate justice at isulong ang mga patakarang tunay na mangangalaga sa nag-iisa nating tahanan at magtataguyod sa kabutihang panlahat.

Mga Kapanalig, ipinapaalala sa atin ng Laudate Deum na tayo ay bahagi ng Kalikasan. Ang mundong nakapaligid sa atin ay hindi bagay para pagsamantalahan at walang-pigil na gamitin. Tandaan natin ang salita sa Mga Bilang 35:34 na huwag nating dungisan ang lupaing ating tinitirhan, sapagkat ang Panginoon ay naninirahan kasama ng sambayanan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 18,407 total views

 18,407 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 33,063 total views

 33,063 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 43,178 total views

 43,178 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 52,755 total views

 52,755 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,744 total views

 72,744 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 18,408 total views

 18,408 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,150 total views

 2,150 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 33,064 total views

 33,064 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 43,179 total views

 43,179 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 52,756 total views

 52,756 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,745 total views

 72,745 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,582 total views

 47,582 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,607 total views

 42,607 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,176 total views

 46,176 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,631 total views

 58,631 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,698 total views

 69,698 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,017 total views

 76,017 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,628 total views

 80,628 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,188 total views

 82,188 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,749 total views

 47,749 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top