207 total views
Tiniyak ni Department of Environment and Natural Resources secretary Regina Lopez na kanyang gagamiting gabay sa epektibong pamamahala sa kalikasan tungo sa pag-unlad ng mamamayan ang Encyclical ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si.
“I’m gonna follow it, and actually Duterte followed the Laudato Si, what Duterte said here, is like Laudato Si; Love of country, subordination of personal interest to the common good, concern and care for the health, that’s Laudato Si right? It’s just in other words, so we will follow the president and we will follow Laudato Si,” pahayag ni Lopez sa Radyo Veritas.
Pangunahing tutukan ni Lopez ang climate change adaptation at ang paglaban sa tumitinding pagbabago ng klima.
Prayoridad din ng kalihim ang pagprotekta at pagpapayabong sa Marine and Forest biodiversity na magbibigay benepisyo sa mga lokal na komunidad, at ang pagsupil sa mapagsamantalang industriya ng pagmimina.
Nanindigan si Lopez na non-negotiable sa kanya ang kapakanan ng taumbayan.
“I just love this country and I think if we do open pit mining and the whole country is earthquake prone then you will increase geodesic activity and stimulate earthquakes. Anyway, I am open for everything but more I am not negotiable about is the benefit of our people and in that end all decisions will be done,”dagdag pahayag ni Lopez.
Matapos manumpa sa tungkulin ngayong araw, ipinag-utos ni Lopez na i-audit ang lahat ng minahan o mining operations sa bansa at tiyaking ISO 14,001 certified ang mga ito.
Aminado naman ang Mines and Geosciences Bureau na 30-percent lamang sa kabuuang 40-minahan sa bansa ang ISO certified.
Binigyang-diin sa Laudato Si ni Pope Francis na ang mga dukha ang dumaranas ng paghihirap sa makasalanang gawain ng tao na sumisira sa kalikasan.