Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 364 total views

Conceptual composition about reconciliation or hate.

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38

Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin.

Mas madali ang gumanti, ang magnasa na ipalasap sa kaaway ang pagdurusang pinalasap niya sa iyo. Mas madali ang rumesbak, ang mamuhi, ang magpadala sa galit sa ginawa sa iyo ng kaaway. Ang manakit kapag tayo ay nasaktan, ang manghusga kapag tayo ay hinusgahan, ang mang-atraso kapag tayo’y inatraso, ang magtanim ng galit sa puso at magsabing, LINTIK LANG ANG WALANG GANTI, MAY ARAW KA RIN, MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO, GAGAPANG KANG PARANG UOD PAGDATING NG PANAHON. Sinasabi mo pa lang, hindi pa man nangyayari, parang masarap pakinggan, di ba?

Ganyan daw kasi talaga ang galaw ng mundo. Iyan ang tinawag ni Newton na THIRD LAW OF MOTION. Di ba minemorize pa nga natin iyan sa ating General Science sa elementary school? “For every action, there is an equal opposite reaction.” Paano ba sasabihin iyan sa Pilipino? “Ang bawat galaw ay may katumbas na pasalungat na galaw.” Ang opposite reaction ng taong binusabos ay mambusabos, tama? Mali, sabi ni Hesus.

Bakit? Hindi naman tayo materyal lang, tayo’y tao, tayo’y mga sumasakatawang-diwa, tayo’y mga espiritwal na nilalang, may likas na marangal dahil hiningahan tayo ng Maykapal, ayon sa Kasulatan, kalarawan daw tayo ng Diyos na lumikha sa atin.

Bakit tinuturuan tayo ng Panginoon na huwag magpadala sa udyok na gumanti sa kaaway? Dahil bumababa ka sa level niya pag ginawa mo iyon. Imbes na mabago mo siya, nababago ka niya, hanggang pareho na lang kayo. Walang natutuwa sa ganyang paraan kundi si Satanas dahil paraan niya iyan. Ayaw niyang matulad tayo sa Diyos. Gusto niyang matulad tayo sa kadimonyuhan niya.
Kapag nang-abuso ka dahil inabuso ka, parang tuluyan mo nang isinusuko ang anumang dangal na natitira sa iyo sa umabuso sa iyo. Nabiktima ka na nga, nadodoble pa ang pagka-biktima mo kapag ginaya mo siya. Iyan naman ang karaniwang pinanggagalingan ng mga “bully” sa mundo, binully din kasi sila. Kaya gawain ng mga bully ang mang-udyok, ang lumaban sa paraan nila, ang tumulad sa kanila.

At dito ina-apply ni Hesus ang traditional GOLDEN RULE. Di ba ginawang kanta iyon na pinasikat ni Rico Puno? “Kung ano ang di mo gusto, huwag gawin sa iba.” O sa simpleng salita, bakit ko gagawin sa kanya ang mismong bagay na ayaw kong gawin nila sa akin, o ang masama na ginawa sa akin?

Napansin ba ninyo, hindi naman sinabi ni Hesus “Huwag manghusga at hindi ka huhusgahan.” Ang sabi niya, “Itigil ang panghuhusga at hindi ka huhusgahan.” ITIGIL ITO. “Law of Motion” nga kasi iyan. Pag sinimulan mo, tuloy-tuloy na, nagiging perpetual motion—for every action merong equal opposite reaction, paikot-ikot, paulit-ulit, vicious cycle ang tawag sa Ingles. Ang sinaktan, mananakit. Ang binusabos gaganti. Ang namatayan ay papatay. Ganyan ang prinsipyo ng RIDO sa ilan sa mga tribal culture. Sinimulan mo iyan, edi ituloy natin hanggang magkaubusan na tayo ng lahi!

Kaya hindi kuntento si Hesus sa traditional golden rule. Kaya nga ginawa niyang positive ang formulation ng golden rule: “Do unto others what you want others to do unto you.” Iyun ang mas tamang law of motion—ang kabutihan na ginagantihan ng higit pang kabutihan. Gawin mo sa iba ang gusto mo ring gawin nila sa iyo.

Para kay Hesus, masyadong minimal ang negative golden rule. Kaya nga may mga taong ang katwiran ay, “Basta wala akong ginagawang masama, okey na iyon.” Okey iyon, pero hindi pa lubos na okey. Baka wala ka ngang ginagawang masama pero wala rin namang ginagawang mabuti. Wala pang motion doon.

Ano ang gagawin sa mga mamamatay-tao? Sa mga magnanakaw? Sa mga sinungaling? Ano ang ibig sabihin ng “mahalin sila?” Hahayaan na lang sila sa ginagawa nilang hindi tama? Hindi pagmamahal ang tawag doon, kundi pangungunsinti, pagiging enabler. Itigil ang pagpapatuloy ng galaw ng kasamaan hindi sa pamamagitan ng kasamaan, kundi sa pamamagitan ng kabutihan. Kaya nga pati ang penology ngayon o ang prinsipyo tungkol sa imprisonment ay restorative justice.

May isang libro na sumikat noon sa mga peace advocates, ang “Pedagogy of the Oppressed”. Isinulat ng awtor na Brazilian na si Paulo Freire. Ayon sa kanya, ang mga inaapi ay may tendency daw sila na gayahin ang umaapi sa kanya. Ayon sa kanya, walang tunay na paglaya o liberation kapag ang dating alipin ay siya naman ang mang-aalipin bukas. Di ba sinabi rin iyan ni Jose Rizal sa kanyang nobelang El Filibusterismo?

Nagiging lubos lang ang paglaya kung ang ititigil ng pinalaya ay ang mismong gawain ng pang-aalipin. Hindi tayo lalaya kung padadala tayo sa udyok ng galit at hinanakit, katulad ng nangyayari ngayon sa social media. Hindi tayo makapagtatayo ng isang maayos at matatag na lipunan sa pundasyon ng galit at hinanakit.

Sa kasamaang palad hinanakit ang nagiging pundasyon ngayon ng mga tipong nagtatagumpay na mga pulitiko sa pamamagitan ng propaganda nila sa social media. Ang mapaniwala ang tao na walang ibang paraan kundi ang unahan, iligpit, patayin, ang itinuturo niyang sanhi ng lahat ng ating mga problema. Isang paraan na nagpapababa sa ating pagkatao, hindi talaga nagpapalaya.
Tama pa rin naman ang law of motion ni Newton kung ang simula ng galaw ay kabutihan. Ang ganda ng paliwanag dito ni San Pablo sa Romans 12, 20-21: “Kung nagugutom ang kaaway, pakanin mo siya. Kung nauuhaw, painumin mo siya. Sa ganoon, mapapahiya siya sa sarili. Huwag padadaig sa masama. Sa halip, daigin ng mabuti ang masama.”

Kapag may ginawang masama ang anak at sinaway siya ng magulang, pag-ibig iyon. Kung minsan ang galit ay pagibig din. Pag-ibig sa anyo ng malasakit sa minamahal dahil gusto mo siyang mapabuti kaya galit ka sa ginagawa niyang masama. Napakahalagang prinsipyo ng pag-ibig sa kaaway ang pagsusumikap na papanagutin ang kaaway, na mabigyan siya ng pagkakataong maituwid ang pagkakamali, na mapaunlad ang pagkatao niya, na maturuan siyang magpakumbaba at umamin sa pagkakamali, pagsisihan ito, ang kumpunihin ang kasiraang naidulot.

Ang patawad ay nagmumula sa radikal na pag-ibig ng Diyos na hindi sumusuko. Galit sa kasalanan, ngunit hindi namumuhi sa nagkasala. Mabilis makipagkasundo at magpatawad sa sinumag handang umamin, magsisi at magtuwid ng pagkakamali.

Ito ang paraan ni Hesus na tinawag niyang bagong kautusan. Minsan naiisip ko, paano bang bago ang kautusang ito kung nandoon din naman siya sa Lumang Tipan? Hindi naman bago ang kautusang magmahal sa Diyos at sa kapwa. Dati na iyan. Ang tunay na bago ay ang UMIBIG SA ISA’T ISA, GAYA NG PAG-IBIG NI KRISTO SA ATIN. Pag-ibig na nangangarap ng mabuti hindi lang para sa sarili, kundi para sa kapwa, para sa bayan, para sa lipunan, para sa daigdig. At si Kristo ang huwaran natin dito.

Ito ang tamang Law of Motion ayon kay Hesus, ang tamang Golden Rule—gawin sa kapwa ang ibig mong gawin ng kapwa sa iyo. Di ba ginawang panalangin iyon si Saint Francis para sa mga ibig maging Daan ng Kapayapaan? “Sa pagbibigay, tayo ay nabibigyan. Sa pagpupuno, tayo’y napupunuan, sa pag-aalay ng buhay tayo ay nagkakamit ng walang hanggang buhay.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 18,968 total views

 18,968 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 69,531 total views

 69,531 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 17,483 total views

 17,483 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 74,712 total views

 74,712 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 54,907 total views

 54,907 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 363 total views

 363 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 363 total views

 363 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 362 total views

 362 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 1,234 total views

 1,234 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 3,436 total views

 3,436 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 3,470 total views

 3,470 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 4,823 total views

 4,823 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 5,920 total views

 5,920 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 10,142 total views

 10,142 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 5,866 total views

 5,866 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 7,236 total views

 7,236 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 7,497 total views

 7,497 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 16,190 total views

 16,190 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

RICH SOIL

 8,901 total views

 8,901 total views Homily for the feast of Sts. Joachim and Anne, 26 July 2024, Mt 13:18-23 An elderly couple like Abraham and Sarah, that’s the kind of image that Christian tradition gives us of Joachim and Anne. They were a couple already resigned to their infertility, but were eventually blessed with a child in their

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PEREGRINO

 8,705 total views

 8,705 total views Homiliya para sa Kapistahan ni Santiago Mayor, 25 Hulyo 2024, Mt. 20:20-28 Pyesta ngayon sa aking hometown sa Betis, Guagua Pampanga, dahil patron ng aming parokya doon si Santiago Mayor. Dalawa ang larawan ni Santiago Apostol ang ipinuprusisyon doon sa amin sa Betis: ang Santiagong sundalo, may dalang espada, nakasakay sa kabayong puti

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top