23,716 total views
Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Lenten Challenge 2024 na magsisilbing gabay sa mananampalataya sa paglalakbay ngayong kuwaresma.
Layunin ng programa na higit lumago ang pananampalataya ng mamamayan gayundin ang pag-asa at pag-ibig na pinakabuod sa buong pagdiriwang ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.
Tampok sa “TO-DO Calendar for Lent” ang mga gawaing makatutulong sa paghuhubog bilang mabuting mamamayan sa kristiyanong pamamaraan.
“This “TO-DO Calendar for Lent” is our way of encouraging the faithful, especially in Cebu, to make the most out of the Lenten celebrations— aside from the usual religious traditions and popular practices we have — as we journey together in our individual and synodal reflection, conversion, and renewal,” bahagi ng pahayag ng Archdiocese of Cebu.
Nakatuon sa tatlong itinuring na pundasyon ng kuwaresma at mahal na araw ang mga gawaing itinampok sa To-Do Calendar na ‘prayer, fasting and almsgiving.’
Nagsimula ang lenten challenge nitong February 14 sa paggunita ng Ash Wednesday hanggang sa March 31 ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo.
Unang hinimok ng mga lider ng simbahan ang mananampalataya na paigtingin ang buhay pananalangin, pag-ayuno at kawanggawa ngayong kuwaresma.
Ayon kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco, nawa’y gamitin itong pagkakataon para sa pagpapanibago at pagsibol ng pananampalatayang hitik ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
Binigyang diin ng obispo na ang pag-aayuno ay hindi lamang tumutukoy sa pagkain kundi maging sa pananalita at pakikitungo sa kapwa kaya’t mahalagang suriin ang sarili kug nagagampanan ang pagiging tunay na bahagi sa komunidad na nakaugat sa pag-ibig ni Kristo.
Read: https://www.veritasph.net/mananampalataya-hinimok-ng-obispo-na-makiisa-sa-pagsisimula-ng-kuwaresma/
Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya