1,773 total views
Hinimok ng Department of Transportation – Inter-Agency Technical Working Group on Active Transport (IATWG-AT) ang mga Local Government Units na pangalagaan ang kapakanan ng mga gumagamit ng bisikleta.
Ito ay sa mahigpit na pagpapatupad ng umiiral na na nagbabawal sa mga motorized vehicles na gamitin ang mga itinalagang bike lanes.
Sa pag-aaral ng IATWG-AT, most vulnerable sector ang mga nagbibisikleta kasama ang mga pedestrians sa banta ng aksidenteng idinudulot ng mga motorized vehicles.
“International studies and best practices show us that bicycle users and pedestrians are most vulnerable to road crashes and related injuries and fatalities. These also show us that the best way to protect both motorized and non-motorized users from road crashes, related injuries and fatalities is to separate them,” mensahe ng IATWG-AT sa Radio Veritas.
Tinukoy ng IATWG-AT na hindi ganap na pinapairal ng DoTr ang National Transport Policy, Joint Administrative Order No. 2020-0001, Memorandum Circular 2020-100 kasama ang mga polisiyang umiiral mula sa Department of Health, Department of Interior and Local Government at Department of Public Works and Highway.
Unang nanawagan ang Living Laudato Si Philippines sa pamahalaan na pairalin ang katarungan panlipunan upang tugunan ang mga suliranin ng transport sector.