2,392 total views
Ikinagalak ng pamunuan ng Pag-IBIG Fund ang pagtangkilik ng delivery riders sa home development mutual fund ng pamahalaan.
Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nangangahulugan ito na mas maraming Pilipino ang matutulungan sa mga programa ng Pag-IBIG Fund lalo na ang programang pabahay ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing or 4PH Program.
“We are very happy that a growing number of delivery riders are now part of the more than 15.6 million active members of Pag-IBIG Fund. As members of Pag-IBIG Fund, they now have secure savings and shall gain access to our affordable home loans.” bahagi ng pahayag ni Acuzar.
Mula nang ilunsad noong Hulyo ang partnership ng institusyon sa iba’t ibang transport network providers sa bansa mahigit sa 13-libong delivery riders ang nagparehistro sa Pag-IBIG Fund at kabilang sa 15.6 milyong miyembro nito.
Tiniyak naman ni pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta ang pagpapalawak ng programa para matulungan ang bawat Pilipino sa kanilang mga pangangailangan lalo na ang mahihirap na sektor ng pamayanan.
“We remain committed to our mandate of bringing the benefits of Pag-IBIG Fund membership to more Filipino workers. This includes our delivery riders, whose service have become vital in our daily lives.” ani Acosta.
Kabilang sa mga transport network at app-based courier companies ang Angkas, foodpanda, Grab, Lalamove at Pick-A-Roo kung saan maaring mapakinabangan ng kanilang partner riders ang mga programa ng Pag-IBIG Fund tulad ng Regular at MP2 Savings, short-term cash loans, abot kayang home loans at ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus.
Bukod dito inilunsad din ng institusyon ang Pag-IBIG Asenso Rider Raffle Promo na handog para sa delivery rider’s kung saan unang nanalo ng motorsiklo si Joseph Talaroc.