Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Liham Pastoral Pagkatapos ng Halalan

SHARE THE TRUTH

 142,193 total views

“Ang Panginoon ay papurihan, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa” (Awit 103:2)

Mga minamahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay,

Katatapos lang ng halalan. Iba’t iba ang damdamin na naglalaro sa puso natin. Huwag tayong magpadala sa mga damdamin o mga sulsol na magpapabigat ng ating puso. Sa halip na magtanong ng BAKIT PANGINOON? ang itanong natin ay: PANGINOON, ANO NGAYON ANG IPINAPAGAWA MO SA AMIN? Alam po natin na hindi lingid sa ating Diyos ang mga nangyayari sa mundong ito, at siya ay nababahala sa lahat. Kahit anumang mangyari, walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos (Rom 8:38). “Sa lahat ng pangyayari tayo’y nakasiguradong magtatagumpay sa pamamagitan ni Kristo na nagmamahal sa atin.” (Rom 8:37)

Maraming mabubuting ginawa ang Diyos sa atin sa halalang ito. Kilalanin natin ang mga ito, ipasalamat sa Kanya, at ipagpatuloy upang hindi masayang. Ipasalamat natin ang maraming nagvolunteer sa halalan. Nandiyan iyong nagvolunteer sa PPCRV (Parish Pastoral Council for Responsible Voting). Hanggang ngayon nagtatrabaho pa sila. Mahalaga ang kanilang papel sa pagsusuri kung maayos ba at makatotohanan ang halalan. Patuloy natin silang ipagdasal at kilalanin ang kabayanihang ginagawa nila.

Marami rin ang nagvolunteer para sa mga kandidato na pinaniniwalaan nila. Tumaas ang antas ng pagkamulat ng marami sa kalagayahan ng ating bansa at marami ay nag-ambag ng kanilang panahon, pagsisikap, pagmamalasakit at yaman para sa ikabubuti ng bayan. Hindi po nababalewala ang mga ito. Ang lahat ng kabutihan ay magbubunga ng kabutihan.

Dito sa mga munisipio ng Northern Palawan, marami akong nababalitaan na mga kandidato na namigay ng pera noong panahon ng kampanya. Pero nakikita na natin sa resulta ng halalan na hindi nagpapadala ang mga tao sa mga perang inaalok at binibigay sa kanila. Mas nagiging matalino na ang mga tao at hindi sila nagpapabili. Hindi nila ipinagbibili ang bayan. Sa susunod na mga halalan sana naman matuto rin ang mga politiko na hindi ang pera ang makapagpapanalo sa kanila kundi ang kanilang pakikiisa at paglilingkod sa taong bayan, may posisyon man sila sa pamahalaan o wala.

Isang nakapagbibigay ng pag-asa sa atin ay ang maraming tao, lalo na ang mga kabataan, na naging mulat sa kanilang pakikilahok sa politika. Ang politika ay hindi marumi. Ito ay isang paraan upang makapaglingkod para sa maayos na pamumuno sa bayan. Kung maayos ang pamumuno, mas lalong maraming mga kababayan na aangat sa buhay. Ipagpatuloy po natin ang ating political engagements, kahit tapos na ang halalan. Subaybayan natin ang gagawin ng mga nahalal. Panagutin natin sila sa tiwala ng taong bayan na lumuklok sa kanila sa kanilang puwesto. Dapat nilang gawin ang kanilang tungkulin nang matuwid. Bantayan natin sila at punahin kung kinakailangan. Ating pera ang ginagamit nila at sila ay pinapasahod natin.

Tapos na ang halalan. Sinusuri pa natin kung ito nga ba ay makatotohanan. Sana isinasalamin nito ang tinig ng bayan. Dahil sa tapos na ang halalan, sikapin na natin na magtulungan para sa ikabubuti ng pangkalahatan. Sana maging patas ang paningin ng mga nanalo na paglingkuran ang mga nangangailangan at hindi lang ang mga bumoto sa kanila. Sila ay lingkod ng lahat at hindi lang ng mga kakampi nila. Sana maging mabuti ang puso ng mga natalo. Makipagtulungan sila sa lahat para sa ikabubuti ng taong bayan. Ibigay nila ang kanilang kooperasyon sa mga namumuno kung wasto naman ang pamumuno ng mga ito.

Sana ang totoong nanalo sa halalang ito ay ang bayang Pilipinas. Patuloy nating ipagdasal at paglingkuran ang Pilipinas. Isa lang ito, at atin ito!

Ang sumasainyo kay Kristo,

+ Broderick S. Pabillo
Obispo ng Bikaryato ng Taytay
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 44,446 total views

 44,446 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 55,521 total views

 55,521 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 61,854 total views

 61,854 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 66,468 total views

 66,468 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 68,029 total views

 68,029 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Veritas Team

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 39,883 total views

 39,883 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi. Ito po ay galing kay propeta Malakias sa Biblia: “Narito pa ang isang bagay na inyong ginagawa. Dinidilig ninyo ng luha ang dambana ni Yahweh; nananangis kayo’t nananambitan sapagkat ayaw

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral tungkol sa Digmaan sa Gaza

 55,538 total views

 55,538 total views “Ang nakapinsala sa kapwa ay pipinsalain din, tulad ng kanyang ginawa. Baling buto sa baling buto, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung ano ang ginawa niya gayundin ang gagawin sa kanya.” (Levitiko 24:19-20) Mga mahal kong Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Sumusulat ako sa inyo tungkol sa isang mabigat na nangyayari sa

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Sulat Pastoral sa Paglulunsad ng Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP) sa Diocese of Kalookan

 142,817 total views

 142,817 total views Minamahal kong Bayan ng Diyos, maligayang kapistahan po ng Kristong Hari sa inyong lahat! May dalawang bahagi ang sulat pastoral na ito. Ang una ay pagninilay sa ating ebanghelyo ngayon, Mateo 25: 31-46. At ang pangalawa ay pagninilay naman sa ebanghelyong pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP),

Read More »
CBCP
Veritas Team

‘Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng kapwa’ (cf. Filipos 2:4)

 142,076 total views

 142,076 total views Mga Kapatid, Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.Filipos 2:3-4 Sa mga salita ng Apostol San Pablo, bumabati at nanawagan kaming

Read More »
Circular Letter
Veritas Team

Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020

 142,176 total views

 142,176 total views Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020 “There are six things that the Lord hates, seven that are an abomination to him: haughty eyes, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, a heart that devises wicked plans, feet that make haste to run to evil, a

Read More »
Cultural
Veritas Team

To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila

 4,037 total views

 4,037 total views To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila Note: These guidelines are given due to our extraordinary situation. They are therefore temporary in nature. Furthermore, the situation is so fluid that we foresee that there will be other guidelines that

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church

 4,030 total views

 4,030 total views Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church My dear People of God in the Archdiocese of Manila, As we strive to be personally connected with God, let us also be connected with each other in and through the Church as the Body of Christ. Let us join then in the

Read More »
Latest News
Veritas Team

Special Day of Prayer for Medical Frontliners

 4,018 total views

 4,018 total views Circular No. 20-18 TO ALL THE BISHOPS AND THE DIOCESAN ADMINISTRATORS Your Eminences, Your Excellencies and Reverend Administrators: RE: A CALL AND INVITATION TO A SPECIAL DAY OF PRAYER FOR OUR FRONTLINE MEDICAL PERSONNEL IN THIS TIME OF CRISIS Although I am quite sure that many of us, if not all, have been

Read More »
Latest News
Veritas Team

Sa TV at Radyo makibahagi sa banal na misa.

 3,995 total views

 3,995 total views Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng telebisyon at radyo bilang pag-iingat sa lumalaganap na COVID-19. Sa pastoral letter na inilabas ni Bishop Pabillo, hinikayat nito ang mga mananampalataya lalo na ang mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na

Read More »

Executive Order sa pagpapatayo ng nuclear power plant, tinuligsa ng Simbahan.

 7,064 total views

 7,064 total views March 4, 2020 2:18PM Ikinababahala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Commission on Social Action Justice and Peace (ECSA-JP) ang draft Executive Order ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na kabilang ang nuclear power sa isusulong ng pamahalaan na pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER On the Safety and Security of our Churches and special attention to Heritage Churches in the Archdiocese of Caceres

 3,751 total views

 3,751 total views Addressed to the Parish Priests, Heads of Institutions in Caceres and the Clergy of the Archdiocese of Caceres. Our Dear Parish Priests, Institution Heads and the Clergy, Peace of the Risen Christ! Just a few days after our solemn celebration of the Lord’s Resurrection or Easter Sunday, we were shocked and angered by

Read More »
Cultural
Veritas Team

Santuario de San Antonio Parish Statement regarding their new wedding regulations

 4,033 total views

 4,033 total views Pax et bonum: We again sincerely apologize for the dismay caused by the presentation of the proposed new regulations governing weddings at Santuario de San Antonio Parish (SSAP). We would like to reiterate that those regulations are still a work in progress as communicated during the Wedding Congress. The new regulations were meant

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Reflect, Pray and Act

 3,757 total views

 3,757 total views TAGALOG VERSION:  Mga minamahal na kapatid sa Arkidiyosesis ng Manila, Mula ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto dumalo ako sa pulongng Caritas Latin America na ginanap sa El Salvador, isangbansang nakaranas ng guerra sivil at maraming namatay. Hanggang ngayon hinaharap pa rin nila ang mga grupongarmado. Sa El Salvador ko nabalitaan ang pagtaas ng

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER REGARDING POWER PLANTS IN BATAAN

 3,841 total views

 3,841 total views Magmula noong December 8, 2015 hanggang December 8, 2016, sa utos ni Papa Francisco, ipinagdiwang natin ang Dakilang Hubileo na tinawag nating “TAON NG AWA.” Sa kalatas na Misericordiae Vultus (Bull of Indiction of the Extra Ordinary Jubilee of Mercy), binigyan diin ng Papa ang dakilang larawan ng Diyos Ama bilang isang mahabagin.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Cardinal Tagle’s Statement (Invitation) on Death Penalty

 3,332 total views

 3,332 total views Circular No. 2017-05 2 February 2017 Feast of the Presentation of the Lord TO: ALL CLERGY, SUPERIORS OF RELIGIOUS COMMUNITIES, DIRECTORS OF RCAM-ES SCHOOLS IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: CARDINAL TAGLE’S STATEMENT (INVITATION) ON DEATH PENALTY Dear Brother Priests, The peace of the Lord Jesus! I am pleased to send you a

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top