Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Liham Pastoral: Pangangalaga ng mga Punong Kahoy

SHARE THE TRUTH

 42,509 total views

“Gumawa ang Panginoong Diyos ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang…Inilagay ng Panginoong Diyos ang tao sa halamanan ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.” (Gen 2:8.15)

Mahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay,

Naranasan po natin sa loob ng tatlong buwan ang matinding init. Halos hindi tayo makapagtrabaho, sinuspende ang pag-aaral ng mga bata, natuyo ang marami nating mga tanim, pati ang mga balon at mga batis. Mainit na rin pati ang dagat, kaya namamatay pati ang mga tanim nating seaweeds. Ang nakakatakot ay may mga dalubhasang nagsasabi na ito ay maaaring mangyari sa atin taon-taon, at lalo pang titindi. Talagang dumadating na ang Global Warming, at ito ay nangyayari na sa ating panahon! Huwag lang nating tanggapin ito. May kagagawan ang tao sa pagdating ng Global Warming. Inabuso natin ang ating kalikasan. Sa halip na ito ay pangalagaan bilang mabubuting katiwala ng Diyos, sinira natin ito at pinagkakitaan pa. Pati na tayo sa simbahan ay may kasalanan din dito. Nagpalusot tayo ng mga kahoy na bawal putulin kakontsaba ang mga iligalista sa dahilang pinagagawa natin ang simbahan, ang kumbento, o anumang proyekto natin. Pagsisihan natin ito at mangako tayo na hindi na natin ito gagawin uli. Kung gagamit man tayo ng kahoy, huwag tayong kumuha ng mga kahoy na pinagbabawal, tulad ng ipil, narra, atb.

Pero hindi lang sapat na hindi na natin pagsasamantalahan ang ating mga punong kahoy. Dito sa ating Bikaryato sa Northern Palawan pagsikapan nating pagyamanin at pangalagaan ang ating mga punong kahoy. Sugpuin natin ang mga nag-iiligal. Ipagtanggol natin ang ating kagubatan. Huwag natin idadahilan na ito ay hanap buhay lamang kasi nararanasan na natin na tayong lahat ay nagdurusa ng tag-init at tag-tuyo dahil sa pagpuputol ng mga mahahalagang puno sa ating kagubatan. Maaari namang maghanap sa paraan na hindi nakakapinsala sa iba at sa kalikasan. Tandaan po natin na kasalanan ang pag-iiligal. Hindi lang ito kasalanan kasi labag sa batas ng tao. Kasalanan ito dahil sa pagsisira ng magagandang nilikha ng Diyos, pagkawala ng samot-saring buhay (bio diversity), at pagpapahirap din sa kapwa tao, lalo na sa mga susunod na generasyon. Sinasaktan natin ang kagubatan, sinasaktan natin ang Diyos na Maylikha, at sinasaktan at pinahihirapan natin ang ating kapwa.

Upang mapangalagaan ang kagubatan, karagatan at kabundukan natin, magtanim tayo ng mga puno. Ang bawat pamilya ay magtanim at pangalagaan ang mga itinatanim. Magtanim ng mga bakaw, magtanim ng mga puno na namumunga, magtanim ng mga katutubong puno. Ito ay bahagi ng ating pagiging mabubuting katiwala. Matagal tumubo at lumaki ang mga puno, pero kung magtatanim na tayo ngayon na nagsisimula nang umulan, malaki ang pagkakataon na sila’y mabuhay at lumaki nang sa gayo’y talagang nagtatanim na tayo para sa isang magandang kinabukasan. Malaki ang nagagawa ng mga puno na pawiin ang pagka-uhaw ng lupa at mga tanim at magdala ng ulan sa atin.

Hinihikayat ko ang mga Parokya, mga mission stations, mga chapels at mga kriska natin na magkaroon ng programa ng pagtatanim ng mga puno. Tayo mismo, bilang simbahan ay hindi na magpapalusot at gumamit na mga iligal na mga kahoy. Bantayan natin ang ating mga kagubatan at makiisa sa mga opisyales ng pamahalaan na may puso na pangalagaan ang ating mga bakawan at kagubatan. Magkaroon din ng programa sa pagtatanim at pagpapalaki ng mga puno. Magkaroon tayo ng nursery ng mga puno sa mga Parokya at chapels upang may maitanim tayo. Kahit na maliit lamang ang Northern Palawan may maiaambag din tayo upang labanan ang pag-iinit ng panahon. Ito ay isang tanda din ng ating pag-ibig sa Diyos na Manlilikha.

Ang inyong kapwa katiwala ng kalikasan,
Obispo Broderick Pabillo
Obispo ng Bikaryato ng Taytay
Ika- 26 ng Mayo, 2024

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 34,129 total views

 34,129 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 45,204 total views

 45,204 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 51,537 total views

 51,537 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 56,151 total views

 56,151 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 57,712 total views

 57,712 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Pastoral Letter
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Huwag Ipagbili ang Ating Bayan

 6,108 total views

 6,108 total views THE VICAR APOSTOLIC OF TAYTAY Bishop’s Residence, Curia Bldg., AVT Mission Center, St. Joseph the Worker Village Montevista, Poblacion, 5312 Taytay, Palawan, Philippines AVT Liham Pastoral: Huwag Ipagbili ang Ating Bayan “Gawin mo ang matuwid, hindi ang masama, upang ikaw ay mabuhay. Sa gayon sasaiyo ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat.” (Amos 5:14)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top