Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Limandaang Taong Kristyanismo sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 1,411 total views

Tayo ay mapalad, kapanalig. Bahagi tayo ng isang dakilang tradisyon: ang Kristyanismo. Sa darating na 2021, ating gugunitain ang ika-500 anibersaryo nito sa ating bansa.  

Sa gitna ng lahat ng pagbabago sa ating mundo, sa loob ng ilang daang taon, ang kristyanismo ay namayagpag at umiral ng lubusan sa ating bansa.  Maraming mga konsepto at kulto, paniniwala at konbiksyon ang lumitaw sa ating lipunan, ngunit ang Kristyanismo ay hindi natinag. Nagliwanag ito sa ating bayan, at nanatiling gabay ng mayoridad.

Ang kasiglahan ng kristyanismo sa bansa ay hindi lisensya upang tayo ay maging kumpiyansa o magsawalang-bahala. Habang dumadaloy ang panahon, mas tumitindi rin ang mga hamon sa ating pananalig. Ang culture of death ay nagpupumilit bigyan ng karimlan ang liwanag ng kultura ng buhay  na dala ng kristyanismo.

Ngayon, nakikita natin ang paglaganap ng pagyurak sa dangal ng tao, gaya ng extrajudicial killings, ang planong pagbabalik ng death penalty at ang pagpapaba ng minimum age of criminal responsibility (MACR) mula 15 hanggang 9. Makikita rin ito sa paglaganap ng hatred o pagkamuhi sa social media, ang patuloy na pagtapak sa karapatan ng mga biktima ng martial law, ang pagpapatuloy ng child labor at human trafficking, at iba pang krimen na nabibigay sakit sa maraming tao.   Ang mga ito ay nagtatangkang patayin ang liwanag ng kristyanismo.

Kaya nga’t kapanalig, kailangan nating gisingin at pagliyabin ang ating pananalig. Kailangan natin itong gawing masiglang inspirasyon ng ating pagkilos sa ating mundo. Kapanalig, puno ang ating mga simbahan kada linggo, ngunit bakit lumalakas ang kultura ng kamatayan sa ating lipunan ngayon? Mahigit 80% ng ating populasyon ay katoliko, ngunit bakit tila, kayhina ng ating pagkilos sa lipunan ngayon?

Dalhin natin sa ating mga tahanan ang magandang balita. Dalhin natin si Kristo sa ating mga tahanan. Hindi nararapat na ang ating pananalig ay manatiling mga sambit at hinaing na ating binubulong sa mga haligi ng simbahan. Kailangan ito ay maging buhay at aktibong pananalig kahit saan man tayo naroroon. Ayon nga sa CBCP Pastoral Letter on the Era of New Evangelization: Live Christ, Share Christ.

Kapanalig, ang krisyanismo ay hindi lamang dogma o konsepto na ating binabalikbalikan tuwing linggo. Ito ay ating pamilya. Ang ating pagsimba ay hindi lamang obligasyon, ito ay isang tuwirang paanyaya: Halika, manumbalik ka sa iyong tahanan., “Come Home.”

At sa ating tahanan, walang puwang ang pagkamuhi. May pagkakaiba, oo, pero mas malakas ang pag-ibig. At ang pag-ibig na ito ay ang dapat mamayani, lalo na’t ika limang sentenaryo na ng ating pananalig. Pakatandaan, ang kristyanismo ay bunga ng pagmamahal: isang luntiang pagmamahal na handang magbuwis buhay para tayo ay maisalba. Ang pagmamahal na ito ang ating identity, ang ating pagkakinlalan.  

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 43,266 total views

 43,266 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 54,341 total views

 54,341 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,674 total views

 60,674 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 65,288 total views

 65,288 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 66,849 total views

 66,849 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘No permit, no exam’, bawal na

 99,435 total views

 99,435 total views Mga Kapanalig, ang pag-aaral ng mga bata ang isa sa mga laging naisasakripisyo kapag dumaranas ng problemang pinansyal ang isang pamilya. Kapag nawalan ng trabaho ang pangunahing naghahanapbuhay sa pamilya o may matinding sakit na dumapo sa isang kamag-anak, nagiging paraan ang pagpapatigil sa pag-aaral ng mga estudyante upang makaraos. Masakit ito sa

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

U-turn sa giyera kontra droga?

 87,492 total views

 87,492 total views Mga Kapanalig, sa kanyang pagbisita sa Germany kamakalian, ipinagmalaki ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na ibang-iba na ang direksyon at estratehiya ng kanyang administrasyon sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na droga sa ating bansa. Sinabi ng pangulo na sa loob ng magdadalawang taon niyang panunungkulan, ang kampanya ng gobyerno kontra droga ay

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iresponsableng turismo

 108,095 total views

 108,095 total views Mga Kapanalig, para sa marami nating kababayan, ang Semana Santa ay panahon ng pagpapahinga at pagbabakasyon kasama ang pamilya o mga kaibigan. Kasama ba kayo sa kanila? Naisip n’yo bang pumasyal sa probinsya ng Bohol para mapuntahan ang pamosong Chocolate Hills?  Siguradong nabalitaan ninyo ang kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate Justice

 1,461 total views

 1,461 total views Kapanalig, kada taon,  mula sa unang araw ng Setyembre hanggang sa ika-apat na araw ng Oktubre, na kapistahan ni St. Francis of Assisi, ipinagdiriwang ng Simbahan ang “Season of Creation.” Marahil marami sa inyo ang hindi nakaka-alam nito, at mas kilala pa ang Ghost Month. Ang Season of Creation ay panahon upang ating

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makabuluhang Tulong para sa ating mga Maliit na Mangingisda

 1,499 total views

 1,499 total views Isa sa mga pinakamahirap na sektor sa ating bayan ay ang mga mangingisda, partikular na ang mga maliliit o artisanal fishers ng ating bayan. Tinatayang nasa 30.6% ang poverty incidence sa kanilang hanay. Pinaka-mataas ito sa ating bayan. Talagang hikahos sa kanilang hanay, kapanalig, lalo’t palakas ng palakas ang epekto ng pagbabago ng klima, sabay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teknolohiya at Inklusibong Sistemang Pang-pinansyal

 1,567 total views

 1,567 total views   Kapanalig, dahil sa pandemya, biglaan at agarang nagshift o lumipat ang mga tao sa online banking at payment schemes. Ang kalakalan sa bansa ay nagbago na. pati palengke, online na rin. Kaya lamang, ang pangyayaring ito ay nagpakita na malawak pang digital divide sa ating bansa. Kailangan natin masiguro na inklusibo ang

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bakit mahalaga ang malayang media?

 1,703 total views

 1,703 total views Mga Kapanalig, mahalagang haligi ng demokrasya ang pagkakaroon ng isang malayang media. Kapag malaya ang mga taong naghahatid sa atin ng balita at mahalagang impormasyon tungkol sa mga ginagawa ng mga nasa poder, higit nating napananagot ang mga namumuno sa atin. Kaya ganoon na lang ang pagkabahala ng mga may pagpapahalaga sa kalayaan

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya at Kaunlaran

 1,454 total views

 1,454 total views Kapanalig, malaki ang bahagi ng enerhiya sa kaunlaran ng kahit anong bayan. Ang sektor ng enerhiya ay napakahalaga hindi lamang sa dami ng trabaho na nalilikha nito, kundi dahil ang enerhiya ang nagpapatakbo ng maraming mga operasyon sa iba ibang industriya at sektor sa buong mundo. Ang enerhiya rin ang nagbibigay kuryente sa

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tama ba ang iyong mga pinili?

 1,500 total views

 1,500 total views Mga Kapanalig, eksaktong isang taon sa araw na ito nang piliin natin ang mga taong nais nating manungkulan sa pamahalaan. Kung nanalo ang iyong mga ibinoto, masasabi mo bang tama ang iyong mga pinili? Malapit na ring mag-isang taon sa gobyerno ang mga nanalo sa halalan, at magandang pagkakataon ito upang suriin natin

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Magsasaka

 3,132 total views

 3,132 total views Kapanalig, ang ating bansa ay isang agricultural country. Kahit pa bumababa ang kontribusyon ng agriculture sa ating ekonomiya, hindi natin matatatwa na napakarami pa rin ang naka-asa sa sektor na ito. Hindi lamang manggagawa kapanalig, kundi tayo. Ang ating food security ay nakakasalalay sa agricultural sector. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), binubuo

Read More »
Uncategorized
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon

 2,230 total views

 2,230 total views Kritikal na pag-iisip sa kritikal na panahon Mga Kapanalig, ngayon po ay World Press Freedom Day, at ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Critical Minds for Critical Times.” Nais bigyang-tuon ng UNESCO ang papel ng media sa pagsusulong ng isang lipunang mapayapa, makatarungan, at walang isinasantabi. Sa tulong ng teknolohiya, nalampasan na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top