Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LIPA ARCHDIOCESE Pastoral Letter

SHARE THE TRUTH

 2,185 total views

LIHAM PASTORAL

2016: HUBILEYO NG AWA

TAON NG MAKA-EUKARISTIYANG ANGKAN

AT ANG HALALAN SA MAYO

 

  1. Sadyang nakatakda na idaraos sa Pilipinas ang Pambansang Halalan ngayong taong 2016. Samantala, halos limang taon na ang nakalilipas, taong 2011, na ang Kalipunan ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas (CBCP) ay nagpasya na ang taong 2016 ay maging Taon ng Eukaristiya at ng Pamilya (Year of the Eucharist and the Family) bilang bahagi ng paghahandang ispiritual sa ika-500 taon ng unang pagkapunla ng binhi ng pananampalatayang Katolikong Kristiano noon 1521. Ang Arsidiyosesis ng Lipa ay nagdiwang na ng taon ng Eukaristiya noon 2015 bilang paghahanda ng ating Simbahang Local sa ika-51 Pandaigdigang Kongreso Eukaristico (51st International Eucharistic Congress) na ginanap sa Cebu nitong nakaraang Enero. Kaya dito sa Arsidiyosesis ng Lipa, ang taon 2016 ay nataguriang Taon ng Angkang naka-ugat sa Eukaristia (Year of the Eucharistic Family).

 

Noong taon 2014 naman, ang Santo Papa Francisco ay nagpasya na ang taong 2016 ay maging Di-Pangkaraniwang Hubileyo ng Awa (Extraordinary Jubilee of Mercy). Ayon sa Santo Papa, ang taong ito ay dapat maging taon ng pagbabalik-loob sa Diyos at pagdamay sa tao. Ang kalinga at awa ay dapat maipadama at maipaabot, higit sa lahat, sa mga napapabayaan, napagkakaitan, kinalilimutan at isinasantabi (neglected, deprived, forgotten, marginalized). Bilang pinili ng Diyos na patnubay ng mga mananampalataya sa Simbahang Lokal ng Lipa kaligayahan ng mga Obispo at mga kaparian na isabalikat ang napakamahalagang tungkulin na paalalahanan ang lahat ng tagasunod ni Kristo: na sa marangal na pananagutang sibiko tulad ng paghahalal ng mga mamumuno sa mga darating na taon, ay nararapat isaloob, isabuhay, isa-alang-alang sa Taong ito ng Awa, ang kahalagahan ng angkan bilang pinagu-usbungan ng lipunan at ang pangangailangan na ang bawa’t angkan ay naka-ugat kay Kristong Eukaristiko.

 

 

  1. Kagalakan para sa aming mga lingkod ng Diyos at ng Sambayanan ng Panginoon, na makitang ang mga mamamayan ay may pagka-sabik na makilahok sa buhay political ng ating malayang bayan. Maraming mga bansa ang pinagkakaitan ng ganitong malayang pagpapahayag ng damdamin at karapatang pumili ng mga mamumuno sa kanila. Nguni’t marami sa mga namumuno ng mga sambayanang mananampalataya (faith communities), mga mapagmalasakit na kababayan, mga may sapat na pagkukuro at dalisay na pagmamahal sa bayan, ang nangangamba na ang kalayaang ito – itong karapatang humirang ng mga namumuno – ay nahahadlangan, nayuyurakan at pailalim o patagong tinatampalasan. Sa panahon ng eleksiyon, nariyan ang malawakang pandaraya, paghamak sa dangal sa pamamagitan ng pagmimili o pagbibili ng boto, panlilinlang sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga biyaya at pabor na akala mo’y galing sa lukbutan ng mapagsamantalang mga kandidato gayong ito’y galing naman sa kaban ng bayan na dapat ilalaan sa mga proyekto na ikagagaling ng lahat. Kasuklamsuklam itong mga ganitong nakahihiyang pagsasamantalang ginagawa sa mga mamamayan lalo na sa mga dukha. Malimit ito ay nangyayari kapag panahon ng halalan at ang nasabing mga dukha ay kinakalimutan o pinapabayaan sa panahong walang eleksiyon. Pinakamasakit, tunay ang panloloko sa mga mahihirap na silang dapat mabiyayaan ng tapat na paglilingkod ng mga naghahangad mamuno sa bayan. May mga taong tahimik na nagpapahintulot na magpatuloy ang mga lisyang gawaing ito, mga tagong kasabwat ng mga mapang-aping nanunungkulan na at iba pang nagnanais manungkulan pa, sila na may mga makasariling paghahangad. Sana’y matanto ng lahat na ang paggawa ng masama, ang panloloko at pagsasamantala ng kapwa, higit sa mga kawawa, ay hindi ikinalulugod ng Diyos. Kasing-sama ng paggawa ng mali ay ang pagwawalang bahala, pagiging walang pakialam samantalang patuloy ang masama, ang taliwas at ang di maka-Diyos na mga gawain. Ang pagsasa-walang kibo ay hindi kaaya-aya sa harap ng Panginoon. Tanging si Satanas, ang kaaway ng Diyos, ang natutuwa (a) kapag may masamang ginagawa ang tao; at (b) kapag ang mabubuti ay walang kibo, hindi kumikilos at hinahayaang ang kasamaan ang makapangyayari. Ayon sa yumaong Joey Velsaco: “Wika ni Hesus, ‘Ama ko, patawarin mo sila sapagka’t di nila alam ang kanilang ginagawa’, ay maari din namang ganito ang pagkakasabi, ‘Ama ko, huwag mo po silang patawarin sapagka’t alam nila ang hindi nila ginagawa!”

 

 

  1. Dahil dito, batid namin na, upang kami’y maging tapat na lingkod ng Panginoon, tungkulin naming mga hinirang ang gabayan ang mga mananampalataya, ang magpahayag, ang maninidigan at mangaral upang magsilbing ilaw sa sambayanan. Sa lahat ng bagay, sa bawat pagkakataon, nararapat itaguyod ang lahat ng makapaghahatid sa sambayanan patungo sa kaharian ng Diyos, ang kaharian ng kabutihan, kaayusan at katotohanan. Dapat himukin naming mga alagad ng Diyos ang lahat ng mga mananamplataya na makilahok sa tunay na pagbabago at kaganapan ng ating bayan, ng ating lungsod, ng ating lalawigan, ng buong bansa. Ito ang pagsisikap ng mga naniniwala sa kabutihan ng Diyos: ang kumilos upang matigil na ang pagsasamantala, ang paglilinlang, ang pandaraya, and pagpapahamak sa kapwa lalu na sa mga dukha, sa mga naaapi at sa mga napapabayaan (the poor, the oppressed, the abandoned). Nawa’y bago maghalalan, habang may halalan, at pagkatapos ng halalan, lagi sana tayong mananalangin sa Diyos, maging mga botante man o mga kandidato, upang matiyak na ang ating gagawin ay ayon sa kalooban ng Diyos, para sa ikapagtatagumpay ng Kanyang kaharian, para sa Kanyang ikalulugod at para sa pangkalahatang kagalingan ng ating kapwa tao. Magkatulungan sana ang lahat upang ang halalan ay maging tunay na makatotohanan, matahimik, maayos, kapanipaniwala, malinis sa lahat ng kahulugan ng salitang ito at katanggap-tanggap (truthful, peaceful, orderly, credible, clean in all senses of the word and acceptable). Ang tamang panalangin ay nagbubunga ng mabubuting gawain. Tiyakin sana ng bawa’t isa na masupil ang mga dayaan, ang bilihan ng boto, ang mga iba’t ibang uri ng katiwalian – sa pagboto, sa pagbibilang at sa paghahatid at pagpapalathala ng resulta ng halalan. Huwag na sanang padala ang sinuman sa panlilinlang ng masamang espiritu, ang katunggali ng Diyos, na siyang lalong nagpapahamak sa tao. Sa halip, ang mamayani nawa ay ang tinatakang tunay na malaya at maka-Diyos na pamayanan.

 

 

  1. Samakatuwid, kung dumadalangin tayo sa Diyos, kung tayo ay tunay na nagmamalasakit sa kapwa tao at kung talagang tayo ay mapagmahal sa bayan, HINDI NATIN IBOBOTO:

 

  1. ang mga kilalang mandaraya, magnanakaw sa kabang yaman ng bayan at mangungulimbat (plunderer); mga masamang halimbawa sa mga kabataan ang kanilang mga gawain at di dapat matularan;
  2. ang mga yumuyurak sa dangal ng tao sa pamimili ng kanilang boto; -ang tingin nila sa nagpapabayad ay may katumbas na halaga ng salapi at walang karangalan; sa kaisipan ng mga mapanlinlang na kandidato, sila’y hamak, walang kabuluhan at sa gayo’y lalu silang kinakawawa;
  3. ang mga tumatanggap ng pabuya (dirty money) malimit ay mula sa mga dayuhan o mga kapitalistang ang naisin ay makaroon ng kapalitna pabor na sa dakong huli ay siyang sisira sa ating lalawigan- sila din itong may layunin na sa paghahangad mamuno sa bayan ay gamitin sa pansariling kapakanan ang mga kayamanang ipinagkakait sa kagalingan ng bansa at ng nakararaming mga dukha’t kawawa;
  4. ang mga hindi tapat sa tungkuling pampamilya, nagtataksil sa kabiyak, nagpapabaya at nagmamalupit sa mga anak; ang nagkukulang sa pagtataguyod ng sariling pamilya ay di mapapagkatiwalaan ng panunungkulan sa higit na malaking pamilya, katulad ng sambayanan at bayan;
  5. ang mga may bisyo o nagpapalaganap at nakikinabang sa pagkakalat ng bisyo katulad ng droga, alak, sugal at kahalayan; – ipapahamak nila ang mga kabataan; ang kayamanan na nagmumula sa maling pinaggagalingan ay nagdudulot ng dagdag pang kapahamakan sa sarili at sa iba;
  6. ang mga hindi nagpapahalaga at gumagalang sa buhay lalu na yaong mga nagtataguyod ng kamatayan ng mga hindi pa naisisilang o sumusunod sa mga kaugaliang labag sa kalooban ng Poong Maykapal;
  7. ang mga walang pakundangan sa paggamit ng yamang likas sa ngalan ng salapi sukdulang ikinasisira ng Inang Kalikasan.

 

 

  1. Sa Hubileyo ng Awa sa taong ito, hinihikayat tayo ng Diyos, ni Papa Francisco sa kanyang encyclical na Laudato Si’, at ng Simbahan na bigyan-pansin ang mga pinaka-kawawa sa ating piling: ang mga magsasaka at mangingisda na pinagkakaitan ng kanilang hanapbuhay, ng pinagtatamnang lupa, ng pinamamalakayanang karagatan. Sa ngalan ng kaunlaran ay sinasamsam, inaagaw ang lupang sinasaka, dinudumihan ang mga ilog at karagatan. Hindi lang mga magsasaka at mangingisda ang napipinsala. Kinukulang din sa pagkain ang maraming mga hapag, lumalawak ang kagutuman habang umuunti ang kabuhayan. Kawawa ang mga taong inililikas mula sa tahanang minanapa sa mga magulang at kanunu-nunuan dahil kailangang minahin para kunin ang mga katutubong yaman at ipinagkakaloob sa mga dayuhan sa tulong ng mga traydor sa sarili nilang bayan. Kawawa ang dumadaming mga nagkakasakit dahil sa dumi ng hanging nilalanghap galing sa pabrikang nagtatapon ng lason sa kalawakan. Kawawa ang mga batang hindi makapagpatuloy sa pag-aaral dahil ang salapi para magtayo ng paaralan at para itustus sa kanilang mas magandang kinabukasan ay ginamit para malinlang ang kanilang mga magulang sa panandaliang lunas sa kahirapan. Kawawa ang mga kabataan na mamanahin ay ang kawalang pag-asa na dulot ng pagwawalang-bahala ng kanilang mga nakatatanda. Kawawa yaong mga isisilang pa sapagkat hindi nila makikita ang magagandang tanawin at malalanghap ang sariwang hangin dahil nagpabaya ang mga nauna sa kanila at nagpaloko sa mga sakim at mapagsamantala. Maawa sana ang lahat sa mga naaapi, napapabayaan, nakakalimutan at napagkakaitan ng pag-asa sa mas mahusay na kinabukasan. Hubileyo ng Awa ang taong ito ng halalan. Magbalik loob na sana ang lahat sa Diyos at maging mas mapagmalasakit sa bayan at sa kapwa mamamayan.

 

Maganda ang ating bayan. Huwag ipagkatiwala sa mga lapastangan.

 

 

  1. Kaya sino dapat ang ihahalal? Sa ngalan ng Diyos at sa diwa ng tunay na pagmamalasakit sa bayan, sa ating Kapwa Batangueño, kapwa Pilipino, IBOTO NATIN:

 

  1. ang mga nangangako at mapagkakatiwalaang tunay na mangangalaga sa ating kapaligiran, magtataguyod ng pagkakalinga, pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan, at magbibigay ng tiyak na pag-asa lalo na sa mga kabataan at sa mga isisilang pa;
  2. ang mga matuwid at tapat na hindi magsasamantala sa kayamanan ng bayan, kungdi tunay na magiging halimbawa sa lahat, matanda man o bata, ng katapatan at di makasariling paglilingkod;
  3. ang mga hindi nasisilaw sa salapi at hindi kayang takutin sapagka’t tiwala sila sa Diyos na kanilang tunay na pinaglilingkuran at may malalim na pagmamalasakit lalu na sa mga higit na nangangailangan;
  4. ang mga maka-Diyos na tao, tapat sa pananagutan sa pamilya, nangangaral sa mga anak at may mabuting halimbawa ng tamang paglilingkod sa kapwa;
  5. and nagtataguyod ng kabanalan ng pamilya, kahalagahan ng buhay, kadalisayan ng pagmamahalan, at kagandahan ng kalikasan;
  6. ang mga talagang nagmamalasakit sa mga kabataan at nagpapakita sa kanila ng tunay, tapat at malinis na pamumuhay;
  7. ang mga maliwanag na nagpapamalas ng di-makasariling panunungkulan, di nagpapakita ng karahasan, kundi matulungin sa lahat maging anuman ang kanilang katatayuan.

 

 

 

  1. Hindi gagawin ng mga lingkod ng Diyos ang tahasan o palihim na pageendorso (direct or indirect endorsement) ng mga candidato para sa anumang posisyon sa pamahalaan, bagama’t marami ang nagsasabing dapat daw gawin yun para makatulong sa kanilang pagpapasiya kung sino ang kanilang ihahalal. Pero sapat na sabihin ng mga malalapit at mga naglalapit sa Diyos na:

 

 

IBOTO ANG KANDIDATONG MAKA-DIYOS, MAKA-TAO, MAKA-BAYAN, MAKA-KALIKASAN, MAKA-PAMILYA, MAKA-BUHAY! Iboto ang tiyak na kinabukasan ng mga bata ngayon at ng mga isisilang pa. Iboto ang mga nagtataguyod ng mas maganda at kaayaayang kapaligiran. Iboto ang maliwanag na hindi magpapayaman sa sarili kundi handang magsakripisiyo para sa iba.

 

Tagubilin ng mga tunay at tapat na alagad ng Diyos sa lahat na: (1) BUMOTO lamang matapos ang puspusang PANANALANGIN para sa bayan, (2) ipagdasal din ang kanyang ihahalal sapagkat mahalaga ang iniaatas na pananagutan, (3) patuloy na manalangin sana ang lahat para sa pagkakaroon ng BAGO at GANAP na BATANGAS/PILIPINAS, (4) panatilihin ang lahat sa mapanalanging kaisipan ang Hubileyo ng Awa at taon ng Pamilyang nakaugat sa Eukaristiya!

 

Ika-27 ng Marso, 2016, Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ang Kaparian ng Arsidiyosesis ng Lipa

 

 

Archbishop Ramón C. Argüelles

Fr. Lauro Abante
Fr. Noel Abutal
Fr. Ricardo Adan
Fr. Bernard Aguila
Fr. Estelito Africa, Jr.
Fr. Jayson Alcaraz
Fr. Oscar Andal
Fr. Eric Joaquin Arada
Fr. Jesse Lucas Balilla
Fr. Gameline Balita
Fr. Dale Anthony Barretto Ko
Fr. Maynardo Beredo
Fr. Aloysius Buensalida
Fr. Ephraim Cabrera
Fr. Eriberto Cabrera
Fr. Glenn Cantos
Fr. Magno Casala
Msgr. Rolando Castillo
Fr. Nemer Chua
Fr. Jumy de Claro
Fr. Jose Loyola Cumagun
Fr. Jaime Cunanan
Fr. Crispin de Guzman
Fr. Darwin de Leon
Fr. Donald Dimaandal
Fr. Ildefonso Dimaano
Fr. Exequiel Dimaculangan
Msgr. Ruben Dimaculangan
Fr. Jay Encarnacion
Fr. Anthony Carlo Esteron
Fr. Oscar Larry Famarin
Fr. Juan Nepomuceno Fruto
Fr. Gerardo Garcia
Fr. Joselin Gonda
Fr. Eugene Hechanova
Fr. Bobot Hernandez
Fr. Richard Hernandez
Fr. Carlo Magno Ilagan
Fr. Renante Ilagan
Fr. Julius Lacaran
Fr. Marco Paulo Lajara
Fr. Gerardo Gil Lipat
Fr. Luis Manuel Lucero
Fr. Gerald Macalinao
Fr. Roy Macatangay
Fr. Federico Magboo
Fr. Quini Magpantay
Fr. Milo Malabuyoc
Fr. Pablito Malibiran
Fr. Ernesto Mandanas, Jr.
Fr. Raul Francisco Martinez
Fr. Russell Matuloy
Fr. Antonio Mendoza
Fr. Godofredo Mendoza
Fr. Joseph Mendoza
Fr. Remigio Mendoza
Fr. Mateo Orario
Fr. Edgardo Pagcaliuangan
Fr. Onofre Bimbo Pantoja
Fr. Eugenio Peñalosa III
Fr. Dakila Ramos
Fr. Edilberto Ramos, Jr.
Fr. Joseph Rodem Ramos
Fr. Rochester Charles Resuello
Fr. Hermogenes Rodelas
Fr. Wilfredo Rosales
Fr. Rustam Sabularse
Fr. Noel Salanguit
Fr. Jayson Siapco
Fr. Jose Pedro Fernando Sudario
Fr. Jonathan Tamayo
Fr. Jose Dennis Tenorio
Fr. Sabas Titular
Fr. Antonio Platon Tolentino
Fr. Antonio Umali, Jr.
Fr. Eugenio Valencia
Fr. Emmanuel Vergara
Fr. Leo Edgardo Villostas
Most Rev. Bishop Quizon
Fr. John de Castro, OSJ
Fr. Delbert Jardinaso, OSJ
Fr. Lee Leonida, OSJ
Fr. Aloy Maranan, OSB
Fr. Manny Guazon
Fr. Aurelio Oscar Dimaapi
Fr. Richard Panganiban
Fr. Miguel Samaniego
Fr. Ricardo Echague
Fr. Conrado Castillo
Fr. Angel Pastor

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Short version

LIHAM PASTORAL

2016: HUBILEYO NG AWA

TAON NG MAKA-EUKARISTIYANG ANGKAN

AT ANG HALALAN SA MAYO

 

 

  1. Sadyang nakatakda na idaraos sa Pilipinas ang Pambansang Halalan ngayong taong 2016. Samantala, halos limang taon na ang nakalilipas, taong 2011, na ang Kalipunan ng mga Obispong Katoliko ng Pilipinas (CBCP) ay nagpasya na ang taong 2016 ay maging Taon ng Eukaristiya at ng Pamilya (Year of the Eucharist and the Family) bilang bahagi ng paghahandang ispiritual sa ika-500 taon ng unang pagkapunla ng binhi ng pananampalatayang Katolikong Kristiano noon 1521. Ang Arsidiyosesis ng Lipa ay nagdiwang na ng taon ng Eukaristiya noon 2015 bilang paghahanda ng ating Simbahang Local sa ika-51 Pandaigdigang Kongreso Eukaristico (51st International Eucharistic Congress) na ginanap sa Cebu nitong nakaraang Enero. Kaya dito sa Arsidiyosesis ng Lipa, ang taon 2016 ay nataguriang Taon ng Angkang naka-ugat sa Eukaristia (Year of the Eucharistic Family).

 

Noong taon 2014 naman, ang Santo Papa Francisco ay nagpasya na ang taong 2016 ay maging Di-Pangkaraniwang Hubileyo ng Awa (Extraordinary Jubilee of Mercy). Ayon sa Santo Papa, ang taong ito ay dapat maging taon ng pagbabalik-loob sa Diyos at pagdamay sa tao. Ang kalinga at awa ay dapat maipadama at maipaabot, higit sa lahat, sa mga napapabayaan, napagkakaitan, kinalilimutan at isinasantabi (neglected, deprived, forgotten, marginalized). Bilang pinili ng Diyos na patnubay ng mga mananampalataya sa Simbahang Lokal ng Lipa kaligayahan ng mga Obispo at mga kaparian na isabalikat ang napakamahalagang tungkulin na paalalahanan ang lahat ng tagasunod ni Kristo: na sa marangal na pananagutang sibiko tulad ng paghahalal ng mga mamumuno sa mga darating na taon, ay nararapat isaloob, isabuhay, isa-alang-alang sa Taong ito ng Awa, ang kahalagahan ng angkan bilang pinagu-usbungan ng lipunan at ang pangangailangan na ang bawa’t angkan ay naka ugat kay Kristong Eukaristiko.

 

 

  1. Kagalakan para sa aming mga lingkod ng Diyos at ng Sambayanan ng Panginoon, na makitang ang mga mamamayan ay may pagka-sabik na makilahok sa buhay political ng ating malayang bayan. Maraming mga bansa ang pinagkakaitan ng ganitong malayang pagpapahayag ng damdamin at karapatang pumili ng mga mamumuno sa kanila. Nguni’t marami sa mga namumuno ng mga sambayanang mananampalataya (faith communities), mga mapagmalasakit na kababayan, mga may sapat na pagkukuro at dalisay na pagmamahal sa bayan, ang nangangamba na ang kalayaang ito – itong karapatang humirang ng mga namumuno – ay nahahadlangan, nayuyurakan at pailalim o patagong tinatampalasan. Sa panahon ng eleksiyon, nariyan ang malawakang pandaraya, paghamak sa dangal sa pamamagitan ng pamimili o pagbibili ng boto, panlilinlang sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga biyaya at pabor na akala mo’y galing sa lukbutan ng mapagsamantalang mga kandidato gayong ito’y galing naman sa kaban ng bayan na dapat ilalaan sa mga proyekto na ikagagaling ng lahat. Kasuklamsuklam itong mga ganitong nakahihiyang pagsasamantalang ginagawa sa mga mamamayan lalo na sa mga dukha. Malimit ito ay nangyayari kapag panahon ng halalan at ang nasabing mga dukha ay kinakalimutan o pinapabayaan sa panahong walang eleksiyon. Pinakamasakit, tunay ang panloloko sa mga mahihirap na silang dapat mabiyayaan ng tapat na paglilingkod ng mga naghahangad mamuno sa bayan. May mga taong tahimik na nagpapahintulot na magpatuloy ang mga lisyang gawaing ito, mga tagong kasabwat ng mga mapang-aping nanunungkulan na at iba pang nagnanais manungkulan pa, sila na may mga makasariling paghahangad. Sana’y matanto ng lahat na ang paggawa ng masama, ang panloloko at pagsasamantala ng kapwa, higit sa mga kawawa, ay hindi ikinalulugod ng Diyos. Kasing-sama ng paggawa ng mali ay ang pagwawalang bahala, walang pakialam samantalang patuloy ang masama, taliwas at ang di maka-Diyos na mga gawain. Ang pagsasa-walang kibo ay hindi kaaya-aya sa harap ng Panginoon. Tanging si Satanas, ang kaaway ng Diyos, ang natutuwa (a) kapag may masamang ginagawa ang tao; at (b) kapag ang mabubuti ay walang kibo, hindi kumikilos at hinahayaang ang kasamaan ang makapangyayari. Nabanggit ng yumaong Joey Velasco: “Wika ni Hesus, ‘Ama ko, patawarin mo sila sapagka’t di nila alam ang kanilang ginagawa’ ay maari din namang ganito ang pagkakasabi, ‘Ama ko, huwag mo po silang patawarin sapagka’t alam nila ang hindi nila ginagawa!”

 

 

  1. Sa Hubileyo ng Awa sa taong ito, hinihikayat tayo ng Diyos, ni Papa Francisco sa kanyang encyclical na Laudato Si’, at ng Simbahan na bigyang pansin ang mga pinaka-kawawa sa ating piling: ang mga magsasaka at mangingisda na pinagkakaitan ng kanilang hanapbuhay, ng pinagtatamnang lupa, ng pinamamalakayanang karagatang. Sa ngalan ng kaunlaran ay sinasamsam, inaagaw ang lupang sinasaka, dinudumihan ang mga ilog at karagatan. Hindi lang mga magsasaka at mangingisda ang napipinsala. Kinukulang din sa pagkain ang maraming mga hapag, lumalawak ang kagutuman habang umuunti ang kabuhayan. Kawawa ang mga taong inililikas mula sa tahanang minana pa sa mga magulang at kanunu-nunuan dahil kailangang minahin para kunin ang mga katutubong yaman at ipinagkakaloob sa mga dayuhan sa tulong ng mga traydor sa sarili nilang bayan. Kawawa ang dumadaming mga nagkakasakit dahil sa dumi ng hanging nilalanghap galing sa pabrikang nagtatapon ng lason sa kalawakan. Kawawa ang mga batang hindi makapagpatuloy sa pag-aaral dahil ang salapi para magtayo ng paaralan at para itustus sa kanilang mas magandang kinabukasan ay ginamit para malinlang ang kanilang mga magulang sa panandaliang lunas ng kahirapan. Kawawa ang mga kabataan na mamanahin ay ang kawalang pag-asa na dulot ng pagwawalang-bahala ng kanilang mga nakatatanda. Kawawa yaong mga isisilang pa sapagkat hindi nila makikita ang magagandang tanawin at malalanghap ang sariwang hangin dahil nagpabaya ang mga nauna sa kanila at nagpaloko sa mga sakim at mapagsamantala. Maawa sana ang lahat sa mga naaapi, napapabayaan, nakakalimutan at pinagkakaitan ng pag-asa sa mas mahusay na kinabukasan. Hubileyo ng Awa ang taong ito ng halalan. Magbalik loob na sana ang lahat sa Diyos at maging mas mapagmalasakit sa bayan at sa kapwa mamamayan.

 

Maganda ang ating bayan. Huwag ipagkatiwala sa mga lapastangan.

 

 

  1. Kaya sino dapat ang ihahalal? Sa ngalan ng Diyos at sa diwa ng tunay na pagmamalasakit sa bayan, sa ating Kapwa Batangueño, kapwa Pilipino, IBOTO NATIN:

 

  1. ang mga nangangako at mapagkakatiwalaang tunay na mangangalaga sa ating kapaligiran, magtataguyod ng pagkalinga, pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan, at magbibigay ng tiyak na pag-asa lalo na sa mga kabataan at sa mga isisilang pa;
  2. ang mga matuwid at tapat na hindi magsasamantala sa kayamanan ng bayan, kungdi tunay na magiging halimbawa sa lahat, matanda man o bata, ng katapatan at di makasariling paglilingkod;
  3. ang mga hindi nasisilaw sa salapi at hindi kayang takutin sapagka’t tiwala sila sa Diyos na kanilang tunay na pinaglilingkuran at may malalim na pagmamalasakit lalu na ang mga higit na nangangailangan;
  4. ang mga maka-Diyos na tao, tapat sa pananagutan sa pamilya, nangangaral sa mga anak at may mabuting halimbawa ng tamang paglilingkod sa kapwa;
  5. and nagtataguyod ng kabanalan ng pamilya, kahalagahan ng buhay, kadalisayan ng pagmamahal, at kagandahan ng kalikasan;
  6. ang mga talagang nagmamalasakit sa mga kabataan at nagpapakita sa kanila ng tunay, tapat at malinis na pamumuhay;
  7. ang mga maliwanag na nagpapamalas ng di-makasariling panunungkulan, di nagpapakita ng karahasan, kundi matulungin sa lahat maging anuman ang kanilang katatayuan.

 

 

 

  1. Hindi gagawin ng mga lingkod ng Diyos ang tahasan at palihim na pageendorso (direct or indirect endorsement) ng mga candidato para sa anumang posisyon sa pamahalaan, bagama’t marami ang nagsasabing dapat daw gawin yun para makatulong sa kanilang pagpapasiya kung sino ang kanilang ihahalal. Pero sapat na sabihin ng mga malapit at mga naglalapit sa Diyos na:

 

 

IBOTO ANG KANDIDATONG MAKA-DIYOS, MAKA-TAO, MAKA-BAYAN, MAKA-KALIKASAN, MAKA-PAMILYA, MAKA-BUHAY! Iboto ang tiyak na kinabukasan ng mga bata ngayon at ng mga isisilang pa. Iboto ang mga nagtataguyod ng mas maganda at kaayaayang kapaligiran. Iboto ang maliwanag na hindi magpapayaman sa sarili kundi handing magsakripisiyo para sa iba.

 

Tagubilin ng mga tunay at tapat na alagad ng Diyos sa lahat na: (1) BUMOTO lamang matapos ang puspusang PANANALANGIN para sa bayan, (2) ipagdasal din ang  kanyang ihahalal sapagka’t mahalaga ang iniaatas na pananagutan, (3) patuloy na manalangin sana ang lahat para sa pagkakaroon ng BAGO at GANAP na BATANGAS/PILIPINAS, (4) panatilihin ng lahat sa mapanalanging kaisipan ang Hubileyo ng Awa at taon ng Pamilyang nakaugat sa Eukaristiya!

 

 

 

Ika-27 ng Marso, 2016, Pasko ng Muling Pagkabuhay

Archbishop Ramón C. Argüelles

Fr. Lauro Abante
Fr. Noel Abutal
Fr. Ricardo Adan
Fr. Bernard Aguila
Fr. Estelito Africa, Jr.
Fr. Jayson Alcaraz
Fr. Oscar Andal
Fr. Eric Joaquin Arada
Fr. Jesse Lucas Balilla
Fr. Gameline Balita
Fr. Dale Anthony Barretto Ko
Fr. Maynardo Beredo
Fr. Aloysius Buensalida
Fr. Ephraim Cabrera
Fr. Eriberto Cabrera
Fr. Glenn Cantos
Fr. Magno Casala
Msgr. Rolando Castillo
Fr. Nemer Chua
Fr. Jumy de Claro
Fr. Jose Loyola Cumagun
Fr. Jaime Cunanan
Fr. Crispin de Guzman
Fr. Darwin de Leon
Fr. Donald Dimaandal
Fr. Ildefonso Dimaano
Fr. Exequiel Dimaculangan
Msgr. Ruben Dimaculangan
Fr. Jay Encarnacion
Fr. Anthony Carlo Esteron
Fr. Oscar Larry Famarin
Fr. Juan Nepomuceno Fruto
Fr. Gerardo Garcia
Fr. Joselin Gonda
Fr. Eugene Hechanova
Fr. Bobot Hernandez
Fr. Richard Hernandez
Fr. Carlo Magno Ilagan
Fr. Renante Ilagan
Fr. Julius Lacaran
Fr. Marco Paulo Lajara
Fr. Gerardo Gil Lipat
Fr. Luis Manuel Lucero
Fr. Gerald Macalinao
Fr. Roy Macatangay
Fr. Federico Magboo
Fr. Quini Magpantay
Fr. Milo Malabuyoc
Fr. Pablito Malibiran
Fr. Ernesto Mandanas, Jr.
Fr. Raul Francisco Martinez
Fr. Russell Matuloy
Fr. Antonio Mendoza
Fr. Godofredo Mendoza
Fr. Joseph Mendoza
Fr. Remigio Mendoza
Fr. Mateo Orario
Fr. Edd Pagcaliuangan
Fr. Onofre Bimbo Pantoja
Fr. Eugenio Peñalosa III
Fr. Dakila Ramos
Fr. Edilberto Ramos, Jr.
Fr. Joseph Rodem Ramos
Fr. Rochester Charles Resuello
Fr. Hermogenes Rodelas
Fr. Wilfredo Rosales
Fr. Rustam Sabularse
Fr. Noel Salanguit
Fr. Jayson Siapco
Fr. Jose Pedro Fernando Sudario
Fr. Jonathan Tamayo
Fr. Jose Dennis Tenorio
Fr. Sabas Titular
Fr. Antonio Platon Tolentino
Fr. Antonio Umali, Jr.
Fr. Eugenio Valencia
Fr. Emmanuel Vergara
Fr. Leo Edgardo Villostas
Most Rev. Bishop Quizon
Fr. John de Castro, OSJ
Fr. Delbert Jardinaso, OSJ
Fr. Lee Leonida, OSJ
Fr. Aloy Maranan, OSB
Fr. Manny Guazon
Fr. Aurelio Oscar Dimaapi
Fr. Richard Panganiban
Fr. Miguel Samaniego
Fr. Ricardo Echague
Fr. Conrado Castillo
Fr. Angel Pastor

 

 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 52,073 total views

 52,073 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 63,148 total views

 63,148 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 69,481 total views

 69,481 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 74,095 total views

 74,095 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 75,656 total views

 75,656 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Veritas NewMedia

Pagtaas ng Covid cases sa NCR, ‘weak surge’- Octa

 13,577 total views

 13,577 total views Muling pinapaalalahanan ng mga eksperto ang mga Pilipino na patuloy na mag-ingat sa banta ng COVID-19 sa muling pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng virus. Ayon kay UP-OCTA Research fellow Dr. Guido David, bagama’t wala pang dapat ikabahala sa pagdami ng bilang ay kinakailangan pa ring mag-ingat ng lahat. “So, this is

Read More »
Pastoral Letter
Veritas NewMedia

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 144,256 total views

 144,256 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay, Pag-ibig ang pinaka mensahe ng Diyos – pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Hindi po mapaghihiwalay ang dalawang ito. Hindi natin maaaring mahalin ang Diyos na hindi natin nakikita

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao, tutol na gawing FPJ avenue ang San Francisco del Monte avenue

 23,232 total views

 23,232 total views Nagpahayag ng pagtutol ang diyosesis ng Cubao sa Senate bill 1822 o pagpapalit ng pangalang San Francisco del Monte Avenue bilang Fernando Poe Junior Avenue. Sa opisyal na pahayag ng diyosesis, hinimok nito ang mga mambabatas at senador na balikan ang kasaysayan dahil dito nag-uugat ang tunay na pagkakakilanlan ng isang lugar gaya

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 60,677 total views

 60,677 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 60,460 total views

 60,460 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 60,455 total views

 60,455 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 199,945 total views

 199,945 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 194,408 total views

 194,408 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 60,628 total views

 60,628 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 60,527 total views

 60,527 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 110,518 total views

 110,518 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General Community Quarantine (GCQ) but we continue to appeal to the government to consider religious activities as essential services to our people. There is no scientific basis at all to limit

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 147,103 total views

 147,103 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 60,353 total views

 60,353 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Economics
Veritas NewMedia

Ipalangin ang mga Manggagawa sa panahon ng pandemya

 16,023 total views

 16,023 total views May 1, 2020-11:55am Ang Paggawa ay daan tungo sa kabanalan. Ito ang mensahe ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ngayong ipinagdiriwang ang ‘Araw ng mga Manggagawa’ kasabay ang Kapistahan ni San Jose bilang patron ng mga Manggagawa. Hiniling ng Obispo na ipanalangin ang lahat ng mga manggagawa, lalo na ang mga manggagamot na humaharap

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top