Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Litung-lito, hilung-hilo

SHARE THE TRUTH

 194 total views

Mga Kapanalig, ipinalabas noong nakaraang Huwebes ng administrasyong Duterte ang isang dokumentaryo tungkol sa mga nagawa nito sa unang limampung araw sa panunungkulan. Gaya ng inaasahan, unang-unang ibinida rito ang digmaan laban sa masamang droga.
Karugtong ng footage ng sumusukong mga pusher at adik, sunud-sunod ang mga larawan ng mga bangkay na nakabulagta sa kalye. Marami ang may nakasabit na karatulang nagsasabing “Pusher ako. Huwag tularan.” Iyon ay tandang pinatay sila, hindi ng mga pulis kundi ng vigilante.

Ang mga pagpatay na iyon ay krimen sapagkat hindi nangyari sa opisyal na operasyon ng pulis. Ngunit kung ang video lang ang titingnan at hindi pakikinggan ang sinasabi ng tagapagsalaysay, maaaring malito ang mánonoód. Maaari niyang isipin: “Tama palang ikatuwâ ang mga krimeng iyon bilang bahagi ng tagumpay ng administrasyon laban sa masamang droga.”

Hindi lang ito ang pagkakataong nakalilito ang di-maingat na pagbibigay-mensahe ng pamahalaan. Nariyan ang “shoot to kill policy” ng pangulo at ng hepe ng pambansang kapulisan. Kaya’t ang isang hindi mapanuring tagapanood o tagapakinig ng balita ay maaaring isipin ang ganito: “Tama palang ang pakay ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang kriminal ay patayin sila, sa halip na dakpin at litisin. Tama palang kapulisan at hindi korte ang maghatol sa kanila, at magpataw ng parusang kamatayan.”

Nariyan din ang sinabi ni Pangulong Duterte sa Tondo kinagabihan ng kaniyang inagurasyon. Wala na aniyang pag-asang magbago ang mga lulong sa droga, at dapat daw na pagpapatayin na lamang sila. Muli, kung hindi mapanuri ang tagapakinig, iisipin niyang: “Tama palang ituring ang gumagamit ng masamang droga hindi bilang biktima, kundi bilang kriminal na ang sala’y kasimbigat ng sa pusher o drug lord, kaya’t tama ring magkasimbigat ang parusa sa kanila.”

Mga Kapanalig, kapag tayo’y nalilito, kailangan ng mga batayan sa pagkilatis kung ano ang tama at ano ang mali. Magandang batayan ang ilang katuruang panlipunan ng Simbahan na inilahad ng Second Plenary Council of the Philippines o PCP-II.

Sinasabi ng PCP-II na ang tamang pag-unlad ay ganap at buo, nakabatay sa pantaong dangal at pagkakaisa. Kailangan naman talagang mapuksa ang masamang droga upang umunlad ang ating bansa. Nakasisira ito sa dangal at kakayahang umunlad ng mga gumagamit at nagbebenta nito. Ngunit hindi nabubura ang dangal ng tao, at ang mga karapatan niya, dahil gumagamit siya o nagbebenta ng masamang droga. Kinikilala ba ng pamahalaan ang dangal ng biktima at ng pinaghihinalaang galamay nito? Kinikilala ba ang karapatan nilang dumaan sa tamang proseso ng paglilitis bago mahatulan? Kinikilala ba ang kanilang kakayahang magbagong-buhay? Kinikilala ba natin ang ating pananagutan, bilang kapwa-mamamayan ng iisang bansa at kapatid nila sa iisang Diyos, na tulungan silang gamitin ang potensyal na ito?

Isa pang prinsipyo ng katuruang panlipunan ng Simbahan ang katarungang panlipunan at pag-ibig, o sa Ingles, social justice and love. Sinasabi ng pamahalaang karahasan ang magbibigay-katarungan sa mga biktima ng masamang droga. Ngunit tunay bang katarungan ang pagpatay sa mga adik at pusher, gayong aminado ang pamahalaang hindi nito kayang habulin at panagutin ang mga dayuhang drug lords? Hindi ba mas makatarungan at mapagmahal na unawain kung bakit nalululong ang tao sa masamang droga, at alamin ang mga paraan para maiiwasan ito at para mabibigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga pusher? Ang pagpatay ba ay solusyong mapagmahal?

Ang huling prinsipyong mahalagang isaisip ay kapayapaan at pagtanggi sa karahasan, peace and active non-violence. Sinasabi ng pamahalaan na ang karahasan ng digmaan laban sa masamang droga ay magbibigay-daan sa kapayapaan. Kung gayon, bakit sumasabay ang dumaraming krimen ng pagpatay na hindi nasosolusyonan? Kapayapaan ba ang umiiral kung ang mga tao, lalo na ang mahihirap, ay natatakot mapagbintangang pusher o adik at basta-basta patayin?

Mga Kapanalig, tungkulin ng pamahalaang kilusan ang suliranin ng masamang droga. Ngunit tungkulin din natin bilang Kristiyano na tanungin kung ang pamamaraan ng pamahalaan ay naaayon sa ating mga prinsipyo. At kung hindi, tungkulin nating tulungan ang pamahalaang maghanap ng mabuti at mabisang paraan.
Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,504 total views

 5,504 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,619 total views

 15,619 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 25,196 total views

 25,196 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,185 total views

 45,185 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 36,289 total views

 36,289 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 5,505 total views

 5,505 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 15,620 total views

 15,620 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 25,197 total views

 25,197 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 45,186 total views

 45,186 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 36,290 total views

 36,290 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 40,094 total views

 40,094 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 43,663 total views

 43,663 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 56,119 total views

 56,119 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 67,186 total views

 67,186 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,505 total views

 73,505 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 78,117 total views

 78,117 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,678 total views

 79,678 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,239 total views

 45,239 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,900 total views

 67,900 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,476 total views

 73,476 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top