203 total views
Mainit na tinanggap ng Diocese of Cubao ang mga delegado ng 23rd Asian Liturgy Forum sa ikalawang araw na pagsasagawa ng pagtitipon sa Pilipinas.
Bumisita sa Immaculate Conception Cubao Cathedral ang mga delegado mula sa walong bansa sa Asya, bilang bahagi ng kanilang aktibidad.
Sa banal na misang pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, binigyang diin nito ang kahalagahan ng Liturhiya bilang bukal ng buhay ng Simbahan.
Aniya, sa pamamagitan nito at ng kapangyarihan ng Banal na Santatlo ay nabubuo at patuloy na napangangalagaan ang simbahang katolika.
“We gather to celebrate the Eucharist for the whole liturgical life of the church revolves around the Eucharistic sacrifice and the Sacraments. The liturgy is the source of the church’s life because it is a setting in which the church is created and nourished by the life giving power of the Triune God.” pahayag ni Bishop Ongtioco.
Hamon ni Bishop Ongtioco sa mga delegado na maging tagapaghatid ng mabuting balita ng Panginoon, lalo na ngayong lumalaganap ang imoralidad, kurapsyon, at karahasan sa mundo.
Naniniwala itong gagawing kasangkapan ng Diyos ang mga naglilingkod sa Kan’ya upang palaganapin at isabuhay ang pananampalataya.
Noong Lunes ika-30 nang Setyembre sinimulan ang 23rd Asian Liturgy Forum na may temang “Liturgy and Social Communications”.
Dinadaluhan ito ng mga pari, madre at laykong liturgical animators sa buong Asya.