Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Lokal na pamahalaang naglilingkod sa tao

SHARE THE TRUTH

 773 total views

Mga Kapanalig, opisyal na nagsimula noong Biyernes ang campaign period para sa mga nais tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa lokal na pamahalaan—mula sa munisipyo o lungsod, distrito, at probinsya. Ayon sa COMELEC, pagkatapos ng halalan sa Mayo, aabot sa halos 18,000 ang uupong bagong kongresista, gobernador at bise gobernador, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga mayors, vice mayors, at konsehal.

Bakit mahalagang pumili tayo ng mga karapat-dapat na lider ng ating lungsod, munisipyo, at probinsya?

Sa Catholic social teaching, may tinatawag tayong prinsipyo ng subsidiarity. Tumutukoy ito sa pagkilala sa kakayanan nating mga mamamayang pamahalaan ang ating sarili nang hindi pinanghihimasukan ng nasa pinakamataas na antas ng pamahalaan. Ibig sabihin, hindi lamang tayo umaasa sa sasabihin ng mga pinakamatataas na lider ng pamahalaan (gaya ng presidente ng bansa) o sa ibababang programa ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan. Ang ating mga lider sa probinsya at bayan—kasama ang mga nasa barangay—ang pinakamalapit dapat sa mga tao. Sa abot ng kanilang makakaya, kailangan nilang tiyaking matutugunan nila ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan. Papasok lamang ang pambansang pamahalaan kung kulang ang kapasidad ng lokal na pamahalaang tugunan ang mga kagyat na pangangailangan ng mga tao, gaya halimbawa sa panahon ng kalamidad.

Ang nakalulungkot lamang, laganap rin sa lokal na pamahalaan ang pulitikal na kultura kung saan namamayani ang tinatawag nating “padrino system”—ang mga kakampi ng mga nakaupo sa puwesto at mga may utang na loob sa kanila ay nabibigyan ng pabor. At ang mga mahihirap ang unang biktima ng ganitong sistema. Dahil walang kakayanan sa buhay, napipilitan silang lumapit kay mayor o sa opisina ng kung sinumang opisyal ng munisipyo upang may maipampaospital o kaya naman ay upang mabigyan sila ng pansamantalang trabaho. At dahil kailangan ng mga pulitiko ang boto nila at ng mga kakilala nila, sasamantalahin ng mga pulitiko ang kahirapan ng mga tao at aabutan sila ng “tulong.” Kawanggawa naman ang tingin ng mga tao sa mga binibigay sa kanila sa halip na mga serbisyo at programang dapat lamang nilang mapakinabangan, ibinoto man nila o hindi si gob o si mayor. Dahil nga rito, nagkakaroon ng utang na loob ang mga mahihirap sa mga pulitiko, at iboboto nila sila kahit pa kilala silang tiwali, umaabuso sa kapangyarihan, at pumapabor sa mga patakarang lumalabag sa buhay at karapatang pantao.

Hindi rin pinalalampas ng mga political dynasties ang lokal na pamahalaan. Wala yatang lungsod, munisipyo, o probinsya sa Pilipinas ang walang mga pinunong magkakamag-anak: gobernador si lolo, mayor si anak, konsehal si apo. At muli, mga mahihirap ang talo sa lokal na pamahalaang kontrolado ng mga political dynasties, dahil sa halip na unahin ang kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mga dukha, uunahin nila ang interes ng kanilang pamilya. Halimbawa, kung may malaking negosyo ang isang political dynasty sa isang bayan, mabilis pa sa alas kuwatrong mabibigyan ito ng permiso kahit pa nakapipinsala ito sa kalikasan o inaagawan nito ng lupa ang mga walang disenteng tirahan.

Muli, mga Kapanalig, gaya ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching hinggil sa prinsipyo ng subsidiarity, karapatan ng mga taong pamahalaan ang kanilang mga sarili, at isang mahalagang larangan upang makamit ito ay ang lokal na pamahalaan. Kaya’t mahalagang ang iboboto natin ay ang mga taong tunay na maglilingkod sa lahat nang walang kapalit o kundisyon. Mahalagang ang pipiliin natin ay ang mga tunay na magsusulong ang kapakanan ng lahat, hindi upang magpakitang gilas lamang kundi upang tulungan ang mga taong makamit ang nararapat sa kanila bilang mga mamamayan. Tunay na paglilingkod sa tao ang pangunahing tungkulin ng mga nasa lokal na pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 117,031 total views

 117,031 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 124,806 total views

 124,806 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 132,986 total views

 132,986 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 147,843 total views

 147,843 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 151,786 total views

 151,786 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 117,033 total views

 117,033 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ghost students

 124,808 total views

 124,808 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 132,988 total views

 132,988 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The Big One

 147,845 total views

 147,845 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

ODD-EVEN scheme

 151,788 total views

 151,788 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kagutuman

 63,356 total views

 63,356 total views Hindi pa tapos ang unang quarter ng taong 2025., Tumaas pa lalo ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom o kapos ang pagkain sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakait ng kaarawan sa murang edad

 77,527 total views

 77,527 total views Mga Kapanalig, para sa grupong Child Rights Network (o CRN), masuwerte si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil napakapagdiwang pa siya ng kanyang 80th

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang lupa ay para sa lahat

 81,316 total views

 81,316 total views Mga Kapanalig, nangako ang mga tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas—ang ticket ni Pangulong BBM—na ipápasá nila ang National

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hapis ng mga biktima

 88,205 total views

 88,205 total views Mga Kapanalig, ang Diyos ay hindi manhid sa tinig ng mga inaabuso’t inaapi. Dahil naririnig ng Diyos ang kanilang mga panaghoy, hinahamon Niya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Popular Beyond Reproach

 92,621 total views

 92,621 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Impeachment Trial

 102,620 total views

 102,620 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang structures of sin

 109,557 total views

 109,557 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag palawakin ang agwat

 118,797 total views

 118,797 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sementeryo ng mga buháy

 152,245 total views

 152,245 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang education crisis?

 103,116 total views

 103,116 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top