207 total views
Naging matagumpay ang idinaos na benefit concert ng Caritas Manila na may temang “Love in Abundance” sa Shangri – La Hotel sa The Fort, Manila para tugunan ang pangangailangan ng mahigit sa limang libong scholars ng YSLEP o Youth Servant Leadership and Education Program sa buong bansa.
Sa mensahe ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, inalala nito ang mga naulilang kabataan.
Una niyang binanggit ang isang batang Yolanda survivor na nawalan ng kanyang buong pamilya at tanging siya lamang ang nakaligtas sa naturang trahedya.
Ibinahagi din ni Cardinal Tagle ang kuwento ng isang survivor sa refugee camp sa Idomeni, Greece na naulila dahil sa patuloy na kaguluhan sa Syria.
Ilan lamang ito ayon kay Cardinal Tagle sa libo – libong kabataan na namumuhay mag – isa at naghahanap ng pagmamahal at kalinga.
Sinabi ng Kardinal na lahat ay biniyayaan ng nag – uumapaw na pagmamahal dahil una tayong minahal ng Diyos.
“These young people, alone. I remember and I will reveal my age by having this. I remember Oliver Twist in that movie asking, ‘Where is love?Does it fall from above? It is underneath the willow tree that I’ve been dreaming of. Where is love?’ We know where love is, God is there. So the search for love is a search for God. We have love in abundance because God has love us first,” bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Radyo Veritas.
Hinimok rin ni Cardinal Tagle ang halos 600 na raang tumangkilik sa naturang konsiyerto na tumugon at ibahagi ang pagmamahal sa mga kabataan sa buong mundo na hindi lamang naghahanap ng opurtunidad at magandang kinabukasan kundi higit sa lahat ay naghahanap ng pagmamahal.
“And we hope and I’m speaking here in the name of the many young people spread all over the world. Beginning with our young people here in the Philippines, who are not only looking for opportunities or not only looking for a brighter future, they are looking for love. Let us try our best to be that love to them. They are many of them but we have love in abundance,” pagninilay ni Cardinal Tagle sa Caritas Manila: Love in Abundance concert.
Nagpamalas ng kanilang galing sa concert sina Bituin Escalante, Bo Cerrudo, Esang De Torres, Basil Valdez at Celeste Legaspi kasama ang Philippine Philharmonic Orchestra.