2,290 total views
Inilunsad ng Department of Tourism ang “Love the Philippines” campaign na nagtatampok nagtatampok sa mga pasyalan, produkto at serbisyo na iniaalok ng Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Maria Christina Frasco, ang ‘Love the Philippines Slogan’ ay paraan ding na ibahagi sa buong mundo ang hitik na kultura, kasaysayan at likas na yaman ng Pilipinas.
Nagpapasalamat naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay DoT secretary Frasco sa pagsisikap na maipakilala ang bansa kasabay na rin ang paghihikayat sa mga Filipino Pilipino na maging ‘tourism ambassador’ ng Pilipinas na makakatulong sa pagpapaunlad ng turismo ng bansa.
“Aside from the promotion of the country’s tourist destinations, the campaign that you have conceptualized aims to enhance the overall experience of every travel, included in that list of targets are to promote regional products, build more infrastructure for ease of travel, and champion green movements, among others.” ayon sa mensahe ni Pangulong Marcos.
Sinabi pa ng pangulo na malaki ang maitutulong ng mga Filipino tulad ng mga migrante at Overseas Filipino Workers na maipakita ang kagandahan ng bansa sa mga banyaga upang mapapalago ang sektor ng turismo at makakatulong na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa.
Ayon sa tala sa unang anim na buwan ng 2023 ay umaabot na sa 2.64 million ang mga bumisita sa Pilipinas na mahihigatan pa ang naitala sa buong taon ng 2022 na 2.65 million.
Bukod sa karagdagang kita sa bansa, umaabot din sa 5.35-milyong manggagawa ang nabigyan ng trabaho sa sektor ng turismo.
“The story of the Filipino has yet to be fully told, and we shall tell that story by telling them the story of love, ‘Love the Philippines’.” bahagi naman ng mensahe ni Secretary Frasco sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng DoT.
Magugunitang umabot sa 1.38-trillion pesos ang kinita ng sektor ng turismo noong 2022 na tanda ng patuloy na pagbangon ng turismo mula sa pagkaluging idinulot ng pandemya.
Isinusulong naman ng simbahang Katolika sa Pilipinas ang kampanya sa pagsusulong ng Faith tourism upang ipakilala ang ang mayamang kasaysayan, kultura at pananampalataya ng mga Filipino.