156 total views
Isang nakakahiyang sitwasyon ang lumalaking bilang ng mga child warriors sa buong mundo.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, nakakalungkot ang katotohanang sinasamantala at nilalabag ang murang kaisipan at dignidad ng mga kabataan.
Ikinadismaya ni Bishop Cabantan ang mga grupong gumagamit sa mga kabataan sa karahasan at pagkamuhi sa halip na hayaan silang mamuhay sa pag-ibig,habag,awa at kapayapaan.
“That is really a deplorable situation of children. It violates their dignity and human rights. The seeds of violence, hatred and war are sown in their hearts and not love, compassion and peace,”pahayag ni Bishop Cabantan.
Tinukoy ni Bishop Cabantan ang Mindanao na malaki ang banta sa mga kabataan na maging biktima ng ganitong pagmamalabis dahil sa usapin ng peace and order situation sa rehiyon.
Ngayong December 2016, inilaan ng Santo Papa Francisco ang kanyang pananalangin para sa mga batang biktima ng karahasan at pagpupumilit sa kanila ng lipunan na magdala ng armas sa kabila ng kanilang kamusmusan.
Sa datos ng UNICEF mayroong 300-libong mga bata na may edad 18-taon gulang pababa ang kasali na sa mga sagupaan sa 30 mga bansa sa mundo.