11,893 total views
Ipinapanalangin ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang maayos na kalagayan ng mamamayan higit na ng sektor ng agrikultura matapos ang pananalsaa ng bagyong Carina.
Dasal ng Obispo ang kaligtasan ng mamamayan lalu na ang vulnerable communities na sinalanta ng bagyo.
“O Aming Amang nasa langit, Ikaw ang may lalang ng lahat, Ikaw ang may bigay ng lahat! salamat po sa tubig na kaloob po ninyo sa amin lalo na sa mga magsasaka upang makapagtanim at maalagaan nila ang kanilang mga pananim,” ayon sa mensaheng ipinadala Bishop Mallari sa Radio Veritas.
Sa kabila nito, nagpapasalamat si Bishop Mallari sa pag-ulan na nakatulong sa mga pananim na apektado ng El Nino Phenomenon.
Panalangin ng Obispo na sa paghupa ng baha ay maliit laman ang pinsalang iniwan nito.
“Kami po ay nababahala dahil sa magkasabay na bagyong Bochoy at Carina na dumating dahil sa pinsala na dala ng mga ito sa maraming mga lugar. Huwag po ninyong pabayaan ang inyong bayang sumasampalataya sa inyo. Ibigay ninyo ang katatagan sa aming lahat lalo na sa mga nakakaranas ng mapinsalang hagupit ng mga ito. Ito ay hinihiling namin sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon. Amen,” ayon pa sa panalangin na ipinadala ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.
Sa ulat ng Department of Agriculture kahapon, umabot sa 203-millions pesos ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Carina sa sektor ng agrikultura.