16,643 total views
Palakasin ang katesismo sa mga sakramento ng simbahan lalo ngayong panahon ng kuwaresma
Ito ang pahayag ni Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual makaraang maitala ang mababang bilang mga Pilipinong katoliko na dumudulog sa sakramento ng pagbabalik loob o kumpisal.
Sa isinagawang pag-aaral ng Veritas Truth Survey, naitala ang 51-porsyento sa 1, 200 respondents ang nangungumpisal isang beses sa isang taon partikular na ang mga nasa wastong gulang batay sa isinasaad sa canon law 989.
“This season of Lent is an opportunity for us to promote the sacrament of confession vis-a-vis the seemingly low percentage of Filipino Catholics who follow this precept of the church,” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual.
Batay din sa survey 17 porsyento ang hindi nangungumpisal habang 32 prosyento ang aminadong bihira ang pagtanggap ng sakramento ng pagbabalik loob.
Ibinahagi ni VTS Head Bro. Clifford Sorita na mayorya sa mga nangungumpisal ay nasa edad 40 hanggang 60 taong gulang na sinundan ng 61 gulang pataas na naitala sa 54 at 52 porsyento.
Mababa naman ang bilang ng mga kabataang dumudulog sa kumpisalan sa 41 porsyento kaya’t hinikayat ni Fr. Pascual ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ang kuwaresma na suriin ang sarili at pagsisihan ang mga nagawang pagkakasala laban sa Diyos at sa kapwa.
“Lent calls for repentance through fasting, almsgiving and prayer, to move towards a rekindling of our baptismal promises which we celebrate Easter, therefore the Sacrament of Confession is an integral part of it,” dagdag ni Fr. Pascual.
Ginawa ang survey sa pagitan ng January 1 hanggang February 9 bago ang pagsisimula ng lenten season sa February 14, ang Miyerkules ng Abo.