165 total views
Nauunawaan ng Ibon Foundation ang pagpababa ng target ng Duterte administration sa Gross Domestic Product ng bansa ngayong taon sa 6 hanggang 7 porsyento.
Ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon, naka-apekto rito ang patuloy na nangyayaring global economic crisis lalo na sa pagkalas ng bansang Britanya sa European Union.
“Naging infavorable yung global economy dahil nga dun sa hindi pa nareresolba yung global economic crisis. Yung nangyari sa Britain halimbawa isang senyales talaga na matagal pa yung problema sa global economy sa tingin namin hindi surprising na binaba yung target,” bahagi ng pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.
Aminado si Africa na mahirap maabot ang mas mataas na GDP percentage na itinakda ng bagong administrasyon lalo na’t hindi nito napasigla ang lokal na ekonomiya at umasa nalang sa pangungutang sa ibang bansa.
“Inaasahan yung pagpapatuloy ng ating patakaran ay magbibigay ng mabilis na economic growth sa darating na taon. Dapat matauhan sila na kailangang baguhin ang patakaran para mas palakasin yung balangkas ng ekonomiya,” sambit pa ni Africa sa Radyo Veritas.
Binanggit na rin ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binabaan nila ang sinabing target noong February 2016 ng Aquino mula 6.8 hanggang 7.8 percent sa 6 hanggang 7 percent na lamang dahil sa gagawin pang adjustment ng Duterte administration.
Nanindigan naman ang Simbahang Katolika na kaantabay ng pag – unlad ay ang ikagiginhawa ng nasa mahigit 12.1 milyong mahihirap sa bansa.