2,194 total views
Pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdez at Fr. Roberto Yap – Pangulo ng Ateneo de Manila University ang paglagda sa kasunduan sa pagtutulungan ng dalawang institusyon sa paglikha ng mga panukala na nakabase sa pag-aaral at kapakipakinabang sa mamamayan.
Ang kasunduan na tinawag bilang HRep-Ateneo de Manila University Project ay magiging katuwang ng mga mambabatas sa paglikha ng mga naayong batas para sa pagpapaunlad ng buhay ng mas nakakarami.
Ayon kay Romualdez, pangunahing tutukan ng pag-aaral ang 8-point agenda ng administrasyong Marcos kabilang na ang agriculture and food security; infrastructure, transportation, and energy security; health, education, and social protection; employment; fiscal management; competition and entrepreneurship; research; development and the digital economy; environment, green and blue economy, sustainable communities at public order and safety.
Ang research team ay pangungunahan ng mga dalubhasa na tatawagin bilang Congressional Research Fellows na mula sa Ateneo at iba pang mga unibersidad at research institutions ayon pa sa nilagdaang kasunduan.
Tiwala din ang mambabatas na sa tulong ng unibersidad na kilala sa paglilingkod, pagsusulong ng katarungan at pagtulong sa mga nangangailangan ay makakalikha ng mga batas na tunay na papakinabangan ng higit na nakakarami.
“Ateneo can greatly help us in this regard not only by providing Congress with timely, credible, useful and policy-relevant technical information for legislation borne from rigorous research, but also by lending their esteemed voices in the discussion of proposed reforms with the end-in-view of educating our people on the need for these reforms,” ayon kay Romualdez.
Giit pa ni Romualdez, napapanahon din ang proyekto lalo’t malaking bilang pa rin ng mga Filipino ang hindi pa nakakabangon sa pagkalugmok mula sa krisis na dulot ng novel coronavirus pandemic sa nakalipas na taong taon.