Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mababang pasahod sa mga nurse sa Pilipinas, pangunahing dahilan ng ‘shortage’

SHARE THE TRUTH

 5,383 total views

Itaas ang kalagayan at sahod ng mga nurse sa Pilipinas.

Ito ang patuloy na panawagan ng grupo ng mga nurse sa bansa kaugnay na rin sa laki ng kakulangan ng mga nurse sa medical institution sa bansa, pampubliko man o pribado.

Ayon kay Maristela Abenojar-vice president ng Filipino Nurses United (FNU) ang kakulangan ay hindi lamang sa kakaunting nurses sa bansa, kundi kabilang na ang pangingibang bayan ng mga nurse at ‘yaong nagtatrabaho sa ibang larangan tulad ng business processing operations (BPO) o call centers.

“Kung seryoso po ang pamahalaan na priority nila ang kalusugan ng sambayanan at tututukan nila ang kalagayan ngayon sa Health care industry ang agaran pong dapat nila itaas ay ang uh kalagayang pang ekonomiya ng ating mga manggagawang pang kalusugan gaya po ng nurses.” ayon kay Abenojar sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Sa tala, may 114 na libo ang nurse na kailangan sa Pilipinas, kung saan ngayong taon ay may 10-libo ang nakapasa sa pagsusulit.

“Ito po ay sa medical na term ang tawag po naming ay chronic understaffing ibig sabihin po matagal na po tayong kulang sa mga nurses sa mga pagamutan at ‘yon ang dapat suriin ng ating pamahalaan. Uh tingnan ‘yong ugat bakit may ano may kakulangan, ito’y dahil sa uh hindi po kaaya-aya ang pasahod na ibinibigay o ino-offer natin dito sa ating bansa.” dagdag pa ni Abenojar.

Ang Pilipinas ay may higit sa 900-libong nurses subalit kalahati lamang sa bilang ang practicing nurses kung saan ang 300-libo ay nasa ibayong dagat nagtatrabaho.

Sa pag-aaral ng grupo, higit sa 100-libo mga nurse ang tumatanggap lamang ng P537 na suweldo kada araw sa Metro Manila.

Hiling ng FNU ang pagsusulong ng P50,000 na buwanang sahod sa mga nurse maging pribado o pampubliko dahil na rin sa mataas na cost of living, pagtaas ng inflation rate na dahilan din ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Popular Beyond Reproach

 55,543 total views

 55,543 total views Kapanalig, nakakulong sa kasalukuyan ang kontrobersiyal na ika-16 na pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Roa Duterte o kilala sa tawag na “tatay

Read More »

Impeachment Trial

 65,542 total views

 65,542 total views Tuloy ang impeachment trial laban kay Vice-President Sara Duterte.. Ito ay sa kabila ng pagkakakulong at kinakaharap na kasong crime against humanity ng

Read More »

Labanan ang structures of sin

 72,554 total views

 72,554 total views Mga Kapanalig, “bakit ako susuko?”  Ito ang pinakahuling pahayag ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya ng International

Read More »

Huwag palawakin ang agwat

 82,242 total views

 82,242 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 115,690 total views

 115,690 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 7,727 total views

 7,727 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top