Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 650 total views

Mga Kapanalig, sa halip na “gumawa ng anuman [para] sa pansariling layunin o pagyayabang,” wika nga sa Filipos 2:3, tayong lahat, “bilang tanda ng pagpapakumbaba”, ay pinaaalalahanang “ituring [nang] higit ang iba kaysa sa [ating] mga sarili.” 

Natural sa ating mga tao ang unahin ang ating kapakanan. Laging nariyan din ang tuksong kumilos para sa sariling interes upang makamit ang mga gusto nating makamit, marating ang gusto nating marating, at mangyari ang gusto nating mangyari. Malakas ang tuksong ito sa mga taong makapangyarihan, katulad ng mga nasa gobyerno. Masakit mang tanggapin, ang pamamahala sa ating bansa ay nagiging daan para sa ilan upang magkaroon ng labis pang kapangyarihan. Ang kapangyarihang ito, sa halip na gamitin sa paglilingkod sa taumbayan, ay ginagamit sa pagpapayaman ng kanilang sarili at pamilya, pagpaparami at pagpapalawak ng kanilang mga koneksyon, at pagpapasunod sa mga tao gamit ang takot at karahasan. 

Sa paghahangad ng kapangyarihang magagamit para sa sariling kapakanan, hindi na nila pinahahalagahan ang mga katangiang dapat taglay ng mabuting lider ng bayan, katulad ng pagkakaroon ng respeto sa kanilang kapwa. Sa isang demokrasya, hindi maiiwasang may mga magkakasalungat ang pananaw sa mga bagay-bagay o magbabanggaang paninindigan sa mga isyung kinahaharap ng bayan. May mga sasang-ayon at may mga tututol, pero hindi sana ito ginagawang dahilan upang mawala ang respeto ng ating mga lider sa isa’t isa. 

Nakamamangha—sa napakanegatibong paraan—kapag lantarang sinasabi ng mga nasa pamahalaang wala silang respeto sa mga kapwa nilang lingkod-bayang ginagampanan lamang ang kanilang trabaho. Para sa kanila, ang pagtatanong kung saan planong gamitin ng isang opisina o ahensya ng gobyerno ang hinihiling nitong badyet ay pagkontra. Ang pagtitiyak na nagagamit ang pera ng bayan sa tamang mga programa at proyekto ay pang-iinsulto. Ang pagbusisi sa pinagkakagastusan ng gobyerno ay pamamahiya. Trabaho lamang ang mga ito, walang personalan, ‘ika nga. Gayunman, personalan naman ang sagot ng mga opisyal natin sa halip na sagutin ang mga lehitimong tanong sa kanila. 

Ang nakamamangha ulit—at sa napakanegatibong paraan din—tila ba walang pakialam ang marami sa atin sa kung paano umasta ang mga nasa gobyerno. Sa kanilang mga mata, sikat pa rin ang mga nagsasabing wala silang respeto sa kanilang kapwa lingkod-bayan. Sa kanilang pandinig, katapangan ang hindi pagsagot o ang pagpapatutsada ng mga pulitiko sa itinuturing nilang mga kalaban. Ito ang mas higit na nakababahala, mga Kapanalig. 

Maging daan sana ang darating na halalang pambarangay upang pahalagahan nating muli ang isang uri ng pamamahalang interes ng taumbayan ang tunay na nauuna. Sa pagpili natin ng ating mga bagong kapitan at kagawad sa barangay, balikan sana natin ang mga katangiang dapat hinahanap sa mga nais maglingkod sa bayan. Tiyak tayong sa mahigit 96,000 na kandidato sa pagkapunong-barangay at lampas 730,000 na nais maging kagawad, mayroong mga magiging mabuting ehemplo sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa kabataan. Mayroon naman siguro sa kanilang nagpapahalaga sa pagbibigay ng respeto sa iba, kahit pa hindi sila magkakatulad ng mga pinaniniwalaan at pinaninindigan. Sa huli, sa ating mga botante nakasalalay kung makauupo nga sa puwesto ang ganitong uri ng mga lider. 

Mga Kapanalig, ang ating pananampalataya, paalala nga ni Pope Francis sa Catholic social teaching na Evangelii Gaudium, ay laging may malalim na pagnanais na baguhin ang mundo at isalin ang ating mga pinahahalagahan. Kung pinahahalagahan natin ang pagkakaroon ng respeto at pagpapakumbaba, hanapin din sana natin ang mga ito sa ating mga pinuno. Sa pamamagitan ng ating sagradong boto ngayong darating na barangay election at sa mga susunod pang halalan, magluklok tayo ng mga taong magiging mabuting ehemplo para sa lahat. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,741 total views

 14,741 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,397 total views

 29,397 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,512 total views

 39,512 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 49,089 total views

 49,089 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,078 total views

 69,078 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 14,742 total views

 14,742 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,877 total views

 1,877 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,398 total views

 29,398 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,513 total views

 39,513 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 49,090 total views

 49,090 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,079 total views

 69,079 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,227 total views

 47,227 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,252 total views

 42,252 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,821 total views

 45,821 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,276 total views

 58,276 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,343 total views

 69,343 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,662 total views

 75,662 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,274 total views

 80,274 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,834 total views

 81,834 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,395 total views

 47,395 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top