1,316 total views
Nagpahayag ng pagkabahala si Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB kaugnay na magamit lamang sa katiwalian ang panukalang pagbubuo ng Maharlika Investment Fund.
Ayon sa Madre na isa ring convenor ng Movement Against Tyranny, malaking posibilidad na magamit ang naturang pondo sa katiwalian lalo na’t marami pa ring bahagi sa nasabing panukala ang hindi malinaw.
Binigyang diin ni Sr. Mananzan na hindi dapat magmula sa pondong pinaghirapan ng mamamayan ang gagamitin sa naturang panukala lalo’t nakalaan ito sa kanilang pagreretiro.
“I think the sources of this fund should not come from funds designated for specific purposes but since this is the case of the Maharlika fund the bill should not be approved. There is also a great possibility that this fund will serve as another source of corruption.”pahayag ni Sr. Mananzan, OSB sa Radio Veritas.
Matatandaang orihinal na kabilang sa pagmumulan ng pondo para sa panukalang House Bill 6398 o Maharlika Investment Fund Act ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na mariing tinutulan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.
Ayon sa may akda at nagsusulong ng Maharlika Wealth Fund Act na sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos layunin ng panukala na i-maximize ang profitability o puwedeng tubuin na government assets na maaring i-invest ng pamahalaan.
Dahil sa malakas na pagtutol, nagdesisyon ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na i-amend ang panukala sa pamamagitan ng pag-alis sa GSIS at SSS na pagkukunan ng pondo.