2,182 total views
Ituloy ang magandang pamana ng pananampalataya hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bansa.
Ito ang binigyan diin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos na unang inihayag ang hangarin na maging sentro ng Marian Pilgrimage ang Diocese of Antipolo makaraan na ring kilalanin bilang International Shrine ang Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral.
Ang pagkilala ay bilang kauna-unahang Marian Shrine sa Pilipinas at sa Asya.
“We have to be proud of our mother and we have to recognize our mother and dapat natin siyang ipakilala,” ayon sa obispo.
Sinabi pa ni Bishop Santos na ang pagkilalang ito ay isang biyaya bagama’t kaakibat ang pagmimisyon at higit na pamimintuho sa Mahal na Birhen.
“That’s the reason we have to recognize it at not only we have to introduce and make her the center and the core of our devotion and affection and that is the reason lets us bring her an honor. Let us also bring her to other people so that they will be embrace by her maternal protection kaya iniisip natin na dalhin natin siya internationally,” dagdag pa ng obispo.
July 22 nang itinalaga si Bishop Santos bilang ikalimang obispo ng Diocese ng Antipolo kahalili ng nagretirong si Bishop-emericus Francisco de Leon.
Tiniyak din ng obispo ang pakikipagtulungan ng mga pari ng Antipolo upang maisakaturapan ang pagiging International Marian Conferences and Congress, gayundin ang pagpapalawig pa ng debosyon sa Mahal na Birhen.
Ang Diocese ng Antipolo ay may tarlong milyong populasyon ng mga Katoliko sa 76 na parokya na pinangangasiwaan ng may 204 na mga pari.