577 total views
Ito ang paanyaya ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) kaugnay sa panibagong proyekto ng organisasyon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa papalapit na pasko.
Ayon sa PJPS, ang pasko ay panahon ng pagmamahalan na dapat ipadama hindi lamang sa kapamilya at kakilala kundi higit sa mga nalulumbay at naisasantabi sa lipunan.
“Give Joy On Christmas. Christmas is a time where love is more felt and experienced, we call to mind those who have none and those who have no one, especially those behind bars.“paanyaya ng PJPS.
Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) na pinamumunuan ni executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ ang mga paraan para makapagpaabot ng tulong, suporta at kagalakan sa mga bilanggo.
Layunin ng proyekto na makapagkaloob ng simpleng handa partikular ng mga spaghetti at fruit salad packages upang mapagsaluhan ng may 33,000 bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City para sa darating na Noche Buena at Media Noche.
Una ng nakapagkaloob ng mga hygiene kits at ointment ang PJPS para sa mga bilanggo sa paggunita ng 35th Prison Awareness Week noong huling linggo ng Oktubre, 2022.
Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.