1,717 total views
Naniniwala ang Kanyang Kabanalan Francisco na pag-asa ang hatid ng nilagdaang peace agreement sa Ethiopia.
Hinimok ni Pope Francis ang bawat isa na isabuhay ang nilalaman ng kasunduan upang matamo ng mamamayan sa bansa ang pangmatagalang kapayapaan.
Umaasa ang Santo Papa na higit na ma-protektahan ang buhay ng mamamayan at maisulong ang dignidad ng bawat tao lalo’t labis ang epekto ng civil war sa Ethiopia sa pamayanan.
“The agreement that was signed and which concerns the situation in Ethiopia represents hope. I encourage everyone to support this commitment for a lasting peace, so that, with the help of God, those involved may continue to journey on the paths of dialogue and that the population may soon find once more a peaceful and dignified life,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Matatandaang November 2, 2022 nang lagdaan ng pamahalaan ng Ehtiopia at Tigray forces ang peace agreement para sa kapayapaan lalo na sa northern region ng bansa.
Ayon kay Ethiopian Cardinal Berhaneyesus Demerew Souraphiel, nawa’y magdulot ng pagbubuklod ng magkabilang panig ang kasunduan at maisabuhay ang pagpapatawad at pagkakasundo sa mga naghahasik ng kasamaan.
Napapaloob sa kasunduan ang permanent cease-fire, laying of land mines, pagpapatigil sa pagpapasabog at airstrikes sa iba’t ibang lugar sa Ethiopia.
Gayundin ang pagkakaloob ng pamahalaan ng humanitarian aid sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang grupo at ahensya sa bansa.
Nag-ugat ang karahasan sa halalan noong 2020 kung saan hindi kinilala ang pagkapanalo ng Tigray People’s Liberation Front (TPLF).
Tinatayang nasa kalahating milyong katao ang nasawi sa loob ng dalawang taong civil war sa Ethiopia habang nasa limang milyong indibidwal naman ang nagsilikas.