1,988 total views
Ito ang hamon ni Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) Executive Secretary Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm. sa paggunita ng Feast of the Immaculate Conception of Mary sa ika-8 ng Disyembre, 2022.
Ayon sa Pari na siya ring chairman ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), tulad ng birheng Maria na nakapagdulot ng pagbabago sa daigdig ay kaya din ng bawat isa na makapagsimula ng pagbabago sa anumang larangan sa lipunan.
“Just like Mary as we celebrate the Inmaculada Concepcion kinaya ni Santa Maria isang simpleng babae pero she made a difference, kakayanin din natin bilang mga tao na nagmamahal sa Diyos at nagmamahal sa kapwa kaya din pala nating to make a difference at gawin natin yan sa anumang larangan…” pahayag ni Fr. Buenafe sa Radio Veritas.
Inihayag ng Pari na sa kabila ng pagiging isang simpleng babae ay kinaya ni Maria na magdulot ng pagbabago sa daigdig nang tanggapin ang misyong ini-atang ng Panginoon upang maging Ina ni Hesus.
Ipinaliwanag ni Fr. Buenafe na tanging pagmamahal sa Panginoon at kapwa ang naging gabay at lakas ni Maria upang makapagdulot ng pagbabago sa sangkatauhan.
“On December 8 we have the Inmaculada Concepcion and kaya pala, kasi kinaya nga ni Mary a simple woman from Nazareth, kinaya niya nga na she made a difference when she said yes to be the Mother of God… she has no special powers but all she has was her love for God and her love for others kaya she said yes…” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.
Ang mga Filipino ay may pambihirang debosyon sa Mahal na Birheng Maria kung saan ipinagdiriwang ng Simbahan Katolika ang Immaculate Conception.
Ang Pilipinas ay tinaguriang Pueblo Amante de Maria dahil sa masidhing pamimintuho ng mga Filipino sa Mahal na Birhen dahil sa kanyang pambihira at natatangging tungkulin sa kasaysayan bilang Ina ng Diyos at ng sanlibutan.