333 total views
Ang Simbahang Katolika ay hindi lamang nakasentro sa iisang bansa, iisang kultura o iisang estado, dahil ito ay pandaigdigan.
Ito ang binigyang diin ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia, matapos ang kauna-unahang pagdiriwang ng Pope’s Day sa Pilipinas.
Ayon sa Arsobispo, ang paglalakbay nina San Pedro at San Pablo patungo sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at ang pagtatatag nito ng Simbahang Katolika sa Roma ang nagpapatunay ng “universality” o pagiging pandaigdigan ng Santa Iglesia.
Inihayag ng Arsobispo na bahagi nang patuloy na misyon ng dalawang Santo at Simbahan na itaguyod ang pagkakaisa ng sangkatauhan sa gitna ng pagkakahati-hati ng mundo, at ang palaganapin ang kapayapaan sa pamamagitan ng pag-ibig ng Panginoon.
“This is Peter’s ongoing mission even today, to ensure that the Church is never identified with a single nation, with a single culture or with a single State but it is always the Church of all; to ensure that she reunites humanity over and above every boundary and, in the midst of the divisions of this world, makes God’s peace present, the reconciling power of his love.” homiliya ni Abp. Caccia.
Samantala, binigyang pansin naman ni Abp. Caccia na dahil sa makabagong teknolohiya ay mas nagiging madali ang ugnayan ng mga tao sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.
Gayunman, aminado ang Arsobispo na nakalilikha din ito ng bagong uri ng problema na siya namang nagpapalala sa mga nauna nang suliranin ng mundo.
Naniniwala ang Arsobispo na sa gitna ng “external unity” o panlabas na ugnayan ng mga tao na dala ng mga materyal na bagay, mahalaga parin na mag-ugat sa Panginoon ang kapayapaan na magdudulot ng pagkakaisa sa sanlibutan.
“In the midst of this external unity, based on material things, our need for the inner unity which comes from God’s peace is all the greater – the unity of all those who have become brothers and sisters through Jesus Christ. This is Peter’s permanent mission and also the specific task entrusted to the Church of Rome.” Dagdag pa ng Arsobispo.
Samantala, humiling naman ng panalangin si Abp. Caccia sa mga mananampalataya para kay Pope Francis upang maipagpatuloy ng Santo Papa ang kanyang misyon nang pakikipagkaisa sa sambayanan ng Diyos.
Hiniling pa ni Abp Caccia na ipanalangin sa Panginoon na tayo din sa pamamagitan ni San Pedro at San Pablo ay maging saksi ng pag-ibig ng Diyos at maging tagapagtaguyod ng pagkakaisa ng simbahan sa pamamagitan ng ating pagiging buhay na halimbawa.
Read: Homily of Papal Nuncio to the Philippines Abp. Gabriel Giordano Caccia during the Pope’s Day