Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Maging handa at magdasal, panawagan ng mga Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 6,353 total views

by: Marian Navales-Pulgo/Reyn Letran/Michael Añonuevo

Nakikiisa ang Diocese ng Borongan sa Eastern Samar sa pananalangin para sa kaligtasan ng mamamayan na posibleng maapektuhan sa pananalasa ng Super typhoon Rolly na may international name na Goni.

“Sa mga kapatid sa Luzon, sa Bicol region, kami po ay nakiisa sa inyo sa takot at pangamba sa darating na typhoon. Alam ko po kung gaano kahirap yung makaranas tayo ng ganyang kapighatian sa buhay sa experienced namin sa Super Typhoon Yolanda, that was seven years ago, napakatindi,” ayon kay Bishop Varquez.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, nauunawaan at naranasan na rin ng lalawigan ang pangamba at takot na dulot ng bagyo nang manalasa sa Eastern at Central Visayas ang bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013 kung saan mahigit sa 6-libong katao ang nasawi.

“Una po we have to pray na sana malusaw na ang typhoon. Pangalawa, part of the preparation is to look for a place na safe. Dito sa amin sa Samar ang restrooms o CR’s ang nakatulong po sa mga tao sa mga flying object. Doon po sila nagtago sa saradong lugar,” ayon pa sa Obispo. “Ikatlo, prepare food, water, medicine and others. Iwasan po ang mga lugar na mababa. Kami po ay nananalangin sa inyo para sa inyo na maging safe kayo. Hindi na po bale na masira ang ibang bagay ‘wag lang po magsacrifice ng buhay.”panawagan ng Obispo

Inihayag ng Obispo na dahil sa hindi handa sa lakas na dulot ng Yolanda ay maraming mga residente ang nasawi lalu na sa mga daluyong ng mga baybaying dagat.

Mungkahi ng Obispo sa mamamayan na ngayon pa lamang ay alamin na ang mga lugar na ligtas para sa buong pamilya, maghanda ng pagkain, damit at gamot at higit sa lahat ay sama-samang manalangin para sa kaligtasan hindi lamang ng sarili kundi maging ng kapwa.

Tiniyak naman ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo na nakahadna na ang kanilang social action center sa inaasahang epekto ng bagyong Rolly.

Inihayag din Bishop Dialogo na bukas din ang pintuan ng mga simbahan sa mga posibleng kailangang ilikas na residente na maaapektuhan ng malakas na bagyo.

“Naghahanda na, ang social action natin ay ready na sa anumang mangyayari pagkatapos ng bagyo. Naghahanda na po kami at bukas ang simbahan kung sakaling kailangang maglikas ng mga tao,” ayon kay Bishop Dialogo.

Nag-alay din ng panalangin ang Obispo para sa kaligtasan ng lahat mula sa banta ng bagyong Rolly.

Hiniling naman ng Obispo sa mananampalataya, lalu na ang mga hindi apektado ng bagyo na maging bukas na tumulong sa mga nangangailangan.

“Alam natin na maraming maapektuhan. Nawa’y maraming mga taong magbigay, gamitin ng Diyos upang ang nangangailangan ay mabigyan ng tulong,” dagdag pa ni Bishop Dialogo.

Nagpaabot din ng panalangin ang Obispo ng Diyosesis ng Daet para sa kaligtasan ng lahat.

Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Youth, sa oras ng kagipitan at kawalang katiyakan ay tanging ang Panginoon lamang ang maaaring kapitan ng bawat isa.

Ipinagdarasal ng Obispo na pagkalooban ng Panginoon ng karagdagang lakas, talino at pag-asa ang lahat upang mapagtagumpayan ang anumang unos at pagsubok sa buhay.

Ipinapanalangin rin ni Bishop Alarcon na manaig sa bawat isa ang pagtutulungan maging sa gitna ng kalamidad upang malagpasan ang pinangangambahang panganib na dulot ng bagyong Rolly.

PANALANGIN NI DAET BISHOP REX ANDREW ALARCON:
“Ama, ikaw ay maylikha ng langit at lupa. Dumudulog kami saiyo ngayong kami ay nangangamba dahil sa paparating na bagyo. Batid mo ang aming dinaranas dahil sa Covid at dahil sa bagyong Quinta. Nagsusumamo kami na iyong iligtas ang aming bayan at pamilya sa bagyong Rolly. Wala sa aming talino at lakas ang pagpigil nito, kaya’t ipinauubaya naming saiyo ang aming buhay at katayuan. Bigyang mo po kami ng dagdag pang lakas at pag-asa sa gitna ng marami at malalakas na unos, bagyo at matitinding karamdamang aming hinaharap ngayon. Makita at maramdaman nawa naming ang iyong mapagkalingang kamay habang hinaharap namin ang mga pagsubok sa aming buhay. Nagtitiwala at nanalig kami saiyong kalooban, pag-ibig at awa. Sa lahat ang masama at sakuna, iligtas mo po kami. Gawin mo na ang bawat isa sa amin ay maging kasangkapan ng iyong kabutihan at habag. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon, kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.
O Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo po kami.

Nakahanda na ang Diocese ng Iba, Zambales sa paparating na bagyong Rolly na posibleng maging pinakamalakas na bagyo na tatama sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Iba, Zambales Bishop Bartolome Santos, Jr., nakahanda na ang bawat parokya ng diocese para sa bagyo gayundin ay patuloy naman ang pag-aalay ng panalangin at misa upang maipag-adya laban sa matinding epekto nito.

Naka-antabay na rin ang Social Action Commission ng diocese upang tumulong sa mga higit na maaapektuhan ng bagyo.

Dagdag pa ni Bishop Santos na ang mga Zambaleños ay mga matatag at handa sa lahat ng dumadaang kalamidad sa lugar.

“The parishes are ready for the typhoon. Prayers and masses offered. Social Action is readying for d coming days though Zambaleños are resilient people on all calamities,” ang pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inaanyayahan naman ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang lahat na makiisa sa pananalangin ng Oratio Imperata para sa kaligtasan ng lahat laban sa bagyong Rolly.

Ito ay gaganapin ngayong araw sa ganap na alas-12 ng tanghali, alas-3 ng hapon at alas-6 ng gabi at sabayang pagrorosaryo sa alas-8 ng gabi.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,471 total views

 21,471 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,127 total views

 36,127 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,242 total views

 46,242 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,819 total views

 55,819 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,808 total views

 75,808 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Pag-alis sa appointing power ng Pangulo sa independent constitutional commission, iminungkahi

 104 total views

 104 total views Pagtatanggal sa kapangyarihan ng Pangulo na magtalaga ng mga opisyal sa independent institutions sa pamahalaan ang isa sa nakikitang solusyon ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan o ANIM Coalition na nagsusulong at tutumutol sa pag-iral ng political dynasty, korapsyon at katiwalian sa pamahalaan. Ayon kay ANIM Lead Lawyer Attorney Alex Lacson sa panayam ng

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 66,266 total views

 66,266 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) sa University of Santo Tomas. Tema ng PCNE 10 ang paggunita sa unang dekada ng gawain ang ‘Salya: Let us cross to the other side’ na hango sa ebanghelyo ni

Read More »
Cultural
Veritas Team

Mananampalataya, hinikayat na face to face dumalo sa mga gawaing simbahan

 82,271 total views

 82,271 total views Hinihikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya sa diyosesis na bumalik na sa mga parokya sa pagdalo ng mga gawaing pangsimbahan at pagdiriwang ng misa. Nilinaw naman ng obispo na hindi pa binabawi ang dispensation sa online masses lalo’t nanatili pa ring umiiral ang novel coronavirus pandemic. Ipinaliwanag ng Obispo na marami

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kwaresma; Paanyaya sa pagbabalik-loob sa Panginoon

 82,278 total views

 82,278 total views Iginiit ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi ipinipilit ng simbahan sa mananampalataya ang pagsisisi sa mga kasalanan, kundi isang paanyaya sa bawat isa sa pagbabalik-loob sa Panginoon. Ito ang nilinaw ni Fr. Jerome Secillano-executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs sa pagdiriwang ng Miyerkules ng Abo o

Read More »
Cultural
Veritas Team

Manatiling matatag, panawagan ng Obispo sa mga napinsala ng bagyo

 85,359 total views

 85,359 total views Manatiling matatag sa kabila ng pagsubok at pinsalang idinulot ng bagyong Karding. Ito ang mensahe ni Cabanatuan Nueva Ecija Bishop Sofronio Bancud sa mga mamamayan na nasalanta ng bagyo. Ayon sa Obispo, batay sa ulat ng Cabanatuan Social Action Center (SAC) ng Diocese of Cabanatuan, karamihan ng naging pinsala sa lalawigan ay pinsala

Read More »
Cultural
Veritas Team

Kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Karding, panalangin ng mga Obispo

 81,069 total views

 81,069 total views Hinimok ng mga Obispo ng Simbahang Katolika ang mamamayan na sama-samang hilingin sa panginoon ang kaligtasan sa banta ng supertyphoon. Ipinapanalangin ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto ang kaligtasan ng lahat sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa bansa. Ayon kay Bishop Presto, maliban sa pananalangin, nawa’y manatili rin sa bawat

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pangalagaan ang kalayaan at demokrasya ng Pilipinas, panawagan ng simbahan

 81,255 total views

 81,255 total views Nakikiisa ang ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa paggunita ng sambayanan sa ika-50-anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng pamumuno ng dating si Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo-chairman ng CBCP-Office on Stewardship nawa ay pangalagaan ng bawat Filipino ang tinatamasang kalayaan at demokrasya

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 105,391 total views

 105,391 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Cultural
Veritas Team

Distortion of history, pinalagan ng Carmelite Sisters

 81,052 total views

 81,052 total views Naglabas ng pahayag ang Carmelites Monastery ng Cebu laban sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacañang na nagpapakita na ang mga madre kasama ang dating Pangulong Corazon Aquino na naglalaro ng mahjong. Ayon sa inilabas na pahayag ng Carmelites, ang eksena ay malisyoso at walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Sr. Mary Melanin Costillas-prioress

Read More »
Health
Veritas Team

Eksperto, nagbabala sa epekto ng ‘monkeypox’

 44,267 total views

 44,267 total views Binigyang linaw ng mga eksperto na malaki ang kaibahan ng hawaan, sintomas, at epekto ng ‘monkeypox’ sa COVID-19. Aminado si Dr. Tony Leachon, former adviser ng National Task Force against COVID-19, na mababa lang ang tiyansa ng pagkamatay ng mga pasyenteng may monkeypox kumpara sa COVID-19. Gayunman, nagbabala ang eksperto na maari ring

Read More »
Disaster News
Veritas Team

80K na pamilya, apektado ng lindol sa Northern Luzon

 50,528 total views

 50,528 total views Umaabot na sa mahigit P400-milyon ang halaga ng naitalang pinsala sa agrikultura at mga imprastratura ng naganap na lindol sa Northern Luzon. Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, mahigit sa P13-M halaga na ang naitalang pinsala sa sektor ng agrikultura, habang P4.5M ang napinsala sa mga

Read More »
Latest News
Veritas Team

Teachers Dignity Coalition, hiniling sa DepEd na iurong sa Setyembre ang pagbubukas ng klase

 44,139 total views

 44,139 total views Umapela ang Teachers’ Dignity Coalition sa inilatag na school calendar sa papasok na taong-panuruan ng Department of Education sa ilalim ng bagong administrasyon. Ayon kay TDC chairperson Benjo Basas, ang planong pagbubukas ng klase sa August 22 ay hindi sapat para magkaroon ng pahinga ang mga guro mula sa katatapos lang na school-year.

Read More »
Environment
Veritas Team

Tulong sa mga nasalanta ng baha sa Ifugao, panawagan ng simbahan

 48,567 total views

 48,567 total views Nanawagan ng tulong ang Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe para sa mga pamilya at magsasakang naapektuhan ng baha at pagguho ng lupa sa Banaue. Ayon kay Fr. Apolonio Dulawan, MJ – Social Action Center Director ng Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan na sa maliliit na pamayanan para sa mga pangangailan ng

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 65,462 total views

 65,462 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 64,546 total views

 64,546 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top