225 total views
Ito ang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa misa ng ordinasyon ni Novaliches Bishop elect Roberto Gaa nitong ika-22 ng Agosto sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion, Manila Cathedral.
Espesyal para kay Cardinal Tagle ang pagdiriwang ng ordinasyon dahil kasabay nito ang Feast of the Queenship of Mary o Paggunita sa Pagkareyna ni Maria.
Ayon sa Kardinal, itinanghal na reyna ang Mahal na Birhen dahil sa pagiging ina nito kay Hesus at dahil din sa pakikibahagi niya sa paghahari ng kan’yang anak.
Gayunman, ipinaliwanag ng Kardinal na ang kaharian ni Hesukristo ay hindi ang kahariang tipikal na kinikilala ng mundo.
Ang kaharian ng Diyos ay nagpapahalaga sa kahirapan, pagpapakumbaba, pagiging matuwid, kapayapaan na inuusig sa ngalan ni Hesus at ng katarungan.
Inihayag ni Cardinal Tagle na ang Hari sa kaharian ng Panginoon ay ang siyang naglilingkod sa halip na pinaglilingkuran.
“It is a kingdom whose values are beatitude, poverty, meekness, righteousness, peace-making, even persecution for the sake of the name of Jesus and of justice. It is a kingdom where the greatest must be the servant of all, it is the kingdom where the master prepares the table, stoops down and washes the feet of His disciples. It is a kingdom where the throne is the cross, and the crown is made of thorns. It is a kingdom of faith, pure, naked, faith, it is a kingdom that prays for those who persecute you Father.” Pahayag ni Cardinal Tagle sa kanyang pagninilay.
Binigyang diin ni Cardinal Tagle na ang bawat mananampalataya ay dapat na makibahagi sa paraan ng pagiging hari ni Hesus.
Aniya, nangangailangan ang mundo, lalo na ang Pilipinas ng paghahayag ng kaharian ng Diyos at ito ay sa pamamagitan ng pakikiisa ng mga mananampalataya.
“We are all sharers in the kingly role of Jesus as baptized as ordained we are a royal people. And like Mary, we should affirm that by choosing Jesus as our king, and like Mary and Jesus taking the path of faith, taking the path of humble service of God and neighbor in order to show the regal aspect of Jesus. The world, the Philippines, we need a manifestation of the regal aspect the royal character of Jesus and His kingdom through humble service, through communion with the little ones, that’s how we become royal.” Dagdag ni Cardinal Tagle.
Dahil dito, umaasa ang Cardinal na palaging maaalala ni Bishop Gaa sa kapistahan ng pagka reyna ni Maria ang kanyang misyon bilang isang anak ng Diyos at bilang isang Obispo na isabuhay ang kaharian ng Diyos.
“We hope that your ordination as a bishop on the Queenship of Mary would constantly remind you that the royal people, the kingly people must be lead in faith so that it is the kingdom of our Lord Jesus served beautifully, profoundly by the queen mother who listened to the word of God, who put it into practice even if it spilled out inconveniences for her, that’s your personal mission, and mission as a bishop.” Pahayag ni Cardinal Tagle.
Si Bishop Gaa ang ika-32 sa mga obispo sa Pilipinas na hinirang ni Pope Francis mula noong 2013, at pang siyam naman siya sa mga nahirang sa bansa ngayong taon.
Pamumunuan niya ang Diocese of Novaliches na tinatayang mayroong 2.5 milyong mga mananampalatayang katoliko.